Miss Grace kay PK at Dawn Sherrine: "I hope you guys will last for 26 years"

Miss Grace kay PK at Dawn Sherrine: "I hope you guys will last for 26 years"

- Pakiusap ni Miss Grace na sana ay tigilan na raw siya ng kasalukuyang karelasyon ni PK

- Aniya, dapat ay manahimik na lang siya at maging masaya sa buhay niya dahil sila naman na raw ang magkasama

- Dagdag pa niya, sana ay tumagal nang 26 na taon sila PK at Dawn dahil dapat daw ay matalo nila ang 25 taon na nagkasama sila Miss Grace at PK

- Ito ang kanyang naging mensahe sa kanyang ex matapos niyang sagutin ang naging panayam sa ex niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang pinangalanan ni Miss Grace ang aniya'y asawa sa kasalukuyan ng ex niyang si Pambansang Kolokoy. Hiling niya na tigilan na raw sana siya i-stalk ni Dawn Sherrine at ng kanyang mga 'minions.'

Miss Grace kay PK at Dawn Sherrine: "I hope you guys will last for 26 years"
Miss Grace kay PK at Dawn Sherrine: "I hope you guys will last for 26 years" (withmissgrace/YouTube)
Source: Youtube
For Dawn Sherrine Esguerra, please stop stalking my social media platforms, you and your minions. You need to move on. You're already with Joel, you already have him. You can have him. Just grow up. Stop stalking me. Stop saying things that are so mean, so cruel just because I'm living my life.

Read also

Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral

Dagdag pa niya, sana ay tumagal nang 26 na taon sila PK at Dawn dahil dapat daw ay matalo nila ang 25 taon na nagkasama sila Miss Grace at PK.

Good luck na lang sa inyo. I hope yopu guys will last for 26 years because you guys have to beat my 25 years.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate