Ogie D sa 'lubid' isyu ni Joey De Leon: "Konting kibot naka-report"

Ogie D sa 'lubid' isyu ni Joey De Leon: "Konting kibot naka-report"

- Natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang tungkol sa isyu ng pagbanggit ni Joey De Leon sa salitang 'lubid' sa E.A.T.

- Naging mainit itong usapin dahil narin sa komento ng netizens na nakatawag ng pansin ng MTRCB

- Ani Ogie, sa panahon ngayong madali na ang komunikasyon, napakabilis na mapuna ng mga manonood ang mga programa sa telebisyon man o online

- Tulad ng inaasahan ng marami, isa umano si Ogie sa mga naniniwalang mabusising iimbestigahan ng MTRCB ang bagong isyu na ito ng E.A.T. lalo na ni Joey De Leon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga maiinit na usapin ngayon sa showbiz ay ang tungkol sa isyu ng pagbanggit ni Joey De Leon sa salitang 'lubid' sa E.A.T.

Ogie D sa 'lubid' isyu ni Joey De Leon: "Konting kibot naka-report"
Joey De leon (@angpoetnyo)
Source: Instagram

Tinalakay ito nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz kung saan naidetalye nila ang pangyayari.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: “Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano"

"'Yung salitang lubid, eventually medyo teka muna parang mukhang may kaakibat yan na alam mo na, mental health issue. 'Di naman namin mabanggit dito. 'Yun na nga so kino-call out si Tito Joey. Pano raw 'yon. Tapos kinukumpara pa sa icing. Alin daw ang mas malala? 'Yung sinabi ni Joey De Leon na ang sinasabit sa leeg ay lubid o 'yung icing incident ni Ion at ni Vice?"

Dahil dito, nagkomento si Ogie ng :"Tama yung sinabi ni Loi... San ba lulugar ang mga palabas ngayon? Konting kibot naka-report."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umaasa ang marami, maging si Ogie na maging patas umano ang paghusga ng MTRCB sa nasabi na ni Joey De Leon.

Ang 'Eat Bulaga' ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga' ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: