Dasal ni Zeinab: "Ayoko na nang papalit-palit, ito na 'yun Lord Allah"

Dasal ni Zeinab: "Ayoko na nang papalit-palit, ito na 'yun Lord Allah"

- Kinagiliwan ng marami ang umano'y dasal ni Zeinab Harake patungkol sa kanyang love life

- Sa pinakabago niyang vlog kasi ay nabanggit niyang sana'y sila na talaga ni Bobby ray Parks Jr., ang kasalukuyan niyang karelasyon

- Aniya, ayaw na raw niya ng papalit-palit ng karelasyon

- Matatandaang makailang beses na nilang nababanggit sa mga nagdaang vlog ni Zeinab ang biruan at tuksuhan ukol sa kasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang natuwa kay Zeinab Harake nang hayagan nitong isinigaw na animo'y panawagan kay Allah na sana'y sila na nga ng nobyong si Bobby Rays Parks Jr.

Dasal ni Zeinab: "Ayoko na nang papalit-palit, ito na 'yun Lord Allah"
Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. (Zeinab Harake)
Source: Instagram

Sa kanyang pinakabagong vlog kung saan kasama niya ang mga kapatid at ama sa Lebanon, nagawang ipagsigawan ni Zeinab ang hiling niyang sila na talaga ng kanyang Daddy Ray habang buhay.

Read also

Pinay, wagi sa Emirates draw; tatanggap ng P380,000 kada buwan sa loob ng 25 taon

"Sana kami na. Ayoko na ng papalit-palit. Eto na 'yun Lord Allah. Ibigay mo na!"

Ngayong tila hindi sila magkasama ng nobyo, madalas niya umanong mabanggit kung gaano na niya ito ka-miss.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, narito ang kabuuan ng kanyang vlog kung saan ipinasilip ni Zeinab ang tahanan nila sa Lebanon.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.7 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Read also

Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school

Katunayan sa isang vlog kung saan kasama ni Zeinab ang ama, nabanggit din nila ang kasal at sumagot naman ang kanyang daddy na 'it's too early.' Gayunpaman, nais daw nitong makilala nang husto si Ray na nilarawan niyang smart, charismatic at knows how to respect. Mula nang lumantad na sila sa publiko ay halos hindi na mapaghiwalay sina Zeinab at Bobby Ray Parks Jr. lalo na nang mapalapit na rin ang mga anak ni Zeinab sa kanilang "Daddy Ray."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica