Cristy Fermin sa bashers at nagbabanta kay Lala Sotto: "Huwad ang katapangan niyo"
- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin ukol sa naglipanang mga nagbabanta kay MTRCB chairwoman Lala Sotto
- Ito ay matapos mailabas ang inaasahang 12-day suspension ng programang It's Showtime
- Sa kabila ng mabusising paglilitis ng reklamo sa programa na isinagawa ng iba't ibang departamento sa MTRCB, si chairwoman Lala pa rin ang nasisisi
- Matatandaang ang iceing incident ng grupo ang naging dahilan ng muling pagkakareklamo sa noontime show na may nakaraang nagawang paglabag 'di umano sa MTRCB
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tinalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang umano'y matitinding pamba-bash na natatamo ngayon ni MTRCB chairwoman Lala Sotto.
Ito ay kaugnay sa nailabas na 12-araw na suspensyon sa programang It's Showtime dahil sa umano'y ilang reklamo sa kanila.
Bagama't malinaw na hindi lamang si Chairwoman Sotto ang nagdesisyon sa naturang suspensyon, tila siya ang nadidiin ng mga sinasabing supporters ng programa.
Labis-labis na pagbabanta ang kanyang natatanggap na maging ang kanyang pamilya ay napapasama.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaya naman paalala ni Cristy sa mga bashers, hinay-hinay umano sa mga binibitawang salita lalo na at wala naman umanong nagawang pagkakasala si Chairwoman Sotto.
"Alam niyo po, 'wag po tayong nagbibitiiw ng mga salita na ganyan. Alam niyo po, Matakot tayo, mapagbiro ang panahon. Baka mamaya po, sa atin bumalikwas 'yang mga pinagsasasabi natin."
Gayunpaman, humanga naman si Cristy sa katatagan at pananatiling tahimik ng MTRCB chair sa kabila ng matitinding patutsada sa kanya.
"Buti na lamang napakalawak ng pag-iisip at mawalak ang puso ni chairwoman lala Sotto."
Hamon ni Cristy, lumantad ang pinaniniwalaan nilang internet trolls na ito na patuloy ang pagbabanta at pamba-bash kay Chairwoman Sotto.
Nakakahiya. Ang lalakas ng loob niyong magsabi na mamatay na sana ang pamilya Sotto pero ang picture niyo tissue. Naku! 'wag po kayong kasing tapang ng kapapanganak na tigre"
"Matatapang kayo? huwad ang katapangan niyo. Head on kay chairman Lala Sotto, magpakita kayo ng mukha. Hindi po 'yung ganyan. Peke po 'yung katapangan niyo."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula Showbiz Now Na! YouTube channel:
Si Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio ay ang kasalukuyang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman na na-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos. Bago pa man siya mamuno sa MTRCB, nanungkulan siya sa Lunsod ng Quezon sa loob ng tatlong termino o 18 taon. Siya ay anak nina dating Senate President Vicente Sotto III at si Helen Gamboa Sotto.
Naging matunog ang pangalan ni Lala kamakailan dahil sa umano'y 'icing incident' nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime. Marami ang umano'y nagsasabing madaling napansin ng departamentong pinamumunuan ni Lala ang naturang insidente subalit hindi raw nito napansin ang nagawa naman ng mga magulang nito sa programang E.A.T.
Samantala, agad namang naghain ng motion for reconsideration ang programa at hangga't hindi pa pinal ang desisyon ukol dito, patuloy pa rin silang mapapanood at hindi pa magsisimula ang sinasabing suspensyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh