Andrei Trazona, humingi ng dispensa dahil sinabi niyang suportado siya ng ina
- Inamin ni Andrei Trazona na nagsinungaling siya nang sabihin niyang suportado siya ng kanyang ina
- Ito ay matapos mag-post kamakailan si Izzy Trazona kaugnay sa kanyang pagiging isang drag queen
- Nabanggit ni Izzy sa kanyang mensahe na ayaw niyang suportahan si Andrei sa bagay na aniya ay makakapahamak sa kanya
- Sa isang interview nang sumali sa isang drag contest si Andrei ay nabanggit niya na todo-suporta sa kanya ang ina
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umamin si Andrei Trazona na hindi totoo ang sinabi niya sa isang interview na tanggap at suportado siya ng ina sa kanyang pagiging isang drag queen. Inihingi ni Andrei ng dispensa ang kanyang pagsisinungaling.
Matatandaang naihayag ni Izzy Trazona ang kanyang saloobin kaugnay sa anak niyang si Andre Trazona na kamakailan ay napabalitang isa na ding drag queen. Ani Izzy, lagi lang siyang naroroon para sa anak.
Nagpahiwatig si Izzy tungkol sa aniya'y disagreements sa pagitan ng anak at ng magulang.
Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their ❤️ and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime show na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) at Bakit Papa? (2002).
February 2012 nang ikasal siya sa Starstruck season 1 avenger na si Alvin Aragon. Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak na kanilang pinangalanang sina Andrei Dewey Trazona, Yanna, at Zoey. Bukod kay Izzy, may mga sariling pamilya na rin sina Jopay Paguia at ang tinuturing na leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan.
Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya. Sa kanyang Instagram post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan. Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan. Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh