Andi Eigenmann, natawa kay Koa: "He thinks my name is Tita Andi"

Andi Eigenmann, natawa kay Koa: "He thinks my name is Tita Andi"

- Naibahagi ni Andi Eigenmann ang video nila ng anak niyang si Koa

- Maririnig sa video ang pagtatanong ni Andi sa anak kung ano ang pangalan niya

- Sagot ni Koa, Tita Andi daw ang pangalan ng mama niya na dahilan kung bakit natawa si Andi

- Pinaliwanagan niya ang anak na Andi lang ang pangalan niya ngunit nang tanungin niya ito uli ay Tita Andi pa rin daw ang pangalan ng mama niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natawa si Andi Eigenmann sa anak niyang si Koa nang tawagin siya nito nang Tita Andi. Pinaliwanagan ni Andi ang anak na Andi lang ang kanyang pangalan.

Andi Eigenmann, natawa kay Koa: "He thinks my name is Tita Andi"
Andi Eigenmann, natawa kay Koa: "He thinks my name is Tita Andi" (@andieigengirl)
Source: Instagram

Sa video na binahagi ni Andi sa kanyang Instagram stories, makikita na nakaupo si Koa sa kanyang tiyan at nag-uusap sila. Tinanong ni Andi si Koa kung paano siya naging si Tita Andi.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Because you are Tita Andi, sagot ni Koa.

Pinaliwanagan ni Andi ang anak na auntie ang ibig sabihin ng tita.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, nang tanungin niya uli si Koa ay ganon pa rin ang sagot niya kaya natawa na lamang si Andi.

Si Koa ang bunsong anak nina Andi at ng partner niyang si Philmar Alipayo.

Andi Eigenmann, natawa kay Koa: "He thinks my name is Tita Andi"
Andi Eigenmann, natawa kay Koa: "He thinks my name is Tita Andi" (@andieigengirl)
Source: Instagram

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Vice Mayor Gian Sotto, naluha sa mensahe ng pinsang si Oyo Sotto

Kamakailan ay pinasilip ni Andi ang kanilang pagluluto ng puso ng saging kasama ang ilang kasamahan nila sa surf club. Mismong si Andi ang umakyat para kumuha ng puso ng saging at siya din ang naglinis nito. Nagluto siya ng ginataang puso ng saging habang ang ibang kasamahan ay nagluto ng isda. Marami ang muling bumilib sa pagiging simple ni Andi at sa husay nitong makisama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate