Bia Harake, kinagiliwan sa halos nonstop na pagkanta sa eroplano

Bia Harake, kinagiliwan sa halos nonstop na pagkanta sa eroplano

- Kinagiliwan ng marami ang bahagi sa vlog ni Zeinab Harake kung saan halos walang tigil sa pagkanta si Bia

- Bigla na lamang itong kumanta ng 'Twinkle, twinkle little star' sa eroplano nang pumunta sila s Bohol

- Nag-alala si Zeinab na baka raw 'may makaaway' siya sa eroplano gayung patuloy ang pagkanta ni Bia

- Kamakailan, nag-family bonding sina Zeinab kasama ng boyfriend niyang si Bobby Ray Parks

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang natuwa sa nakaaaliw na bahagi ng vlog ni Zeinab Harake kung saan halos hindi tumigil sa pagkanta ng 'twinkle, twinkle little star' ang anak nitong si Bia.

Bia Harake, kinagiliwan sa halos nonstop na pagkanta sa eroplano
Zeinab Harake, Bia and Lucas Harake with Bobby Ray Parks Jr. (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Tila talagang nag-enjoy si Bia sa kanilang airplane ride dahil bukod sa panay bati niya sa mga tao, naisipan din nitong kumanta sa eroplano.

Dahil dito, nagbiro pa si Zeinab na baka may makaaway siya sa naturang flight gayung hindi niya mapatigil ang kanyang anak sa pagkanta. Subalit, wala naman umanong nagalit dahil sa nakatutuwang pagkanta ni Bia.

Read also

Rendon Labador sa isyu ng 299 engagement ring: "You get what you deserve"

Bago pa nga bumaba ng eroplano ay nagawa pa ni Bia na magba-bye sa mga kapwa niya pasahero na nag-hi! sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.7 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, naibahagi nito kung paano siya napaiyak dahil kay Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak. Naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Read also

Bea Alonzo, nagbigay pahayag ukol sa paghahawak niya ng cake sa All Out Sundays

Samantala, mula nang lumantad na sila sa publiko ay halos hindi na mapaghiwalay sina Zeinab at Bobby Ray Parks Jr. Lalo na nang mapalapit na rin ang mga anak ni Zeinab sa kanilang "Daddy Ray."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica