Ellen Adarna, aminado na sumailalim sa nose botox noong active sya sa showbiz
- Sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na nagsabing nakita niya ang video ni Ellen na nagpa-nose botox noon
- Ayon pa sa naturang netizen ay akala niya ay natural ang ilong ni Ellen
- Hindi naman ito pinagkaila ni Ellen at sinabing ginawa niya iyon noong active pa siya sa showbiz para aniya ay hindi mag-flare ang ilong kapag nasa close up shots
- Gayunpaman, mariin niyang sinabi na hindi kailanman siya sumailalim sa operasyon para baguhin ang ilong niya at aniya ay nawala na ang epekto ng kanyang pagpapa-botox noon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Ellen Adarna na sumailalim siya noon sa nose botox. Gayunpaman aniya ay hindi kailanman siya sumailalim sa anumang operasyon para ipabago ang kanyang ilong.
Nilinaw niyang ginawa niya ito noong aktibo siya sa showbiz para maiwasang mag-flare ang ilong lalo na sa mga close up na mga eksena.
Aniya, hindi permanente ang epekto ng botox at wala na umano ito sa kasalukuyan kaya bumalik na sa dati ang kanyang ilong.
Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagsabing nakita niya ang video ni Ellen na nagpa-botox ng ilong at akala daw niya ay natural ang ilong ni Ellen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh