TVJ at Legit Dabarkads, kinagiliwan nang kumasa sa 'Touch my body' dance challenge
- Kinagiliwan ng marami ang 'Touch my body' dance challenge na sinayaw ng TVJ at ng Legit Dabarkads
- Game na game na sumayaw si Vic Sotto sa latest TikTok dance na usong-uso ngayon
- Sinabayan naman siya ng iba pang mga Dabarkads tulad nina Ice Seguerra, Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon
- Kamakailan ay nakabalik na si Maine Mendoza sa E.A.T. matapos ang mga kaganapan sa kanyang kasal
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Mabilis na nag-viral ang video ng 'Touch my body' dance challenge ng TVJ at ng legit Dabarkads sa E.A.T. ngayong Agosto 19.
Sa maiksing video makikitang si Bossing Vic Sotto pa ang nangunguna sa pagsasayaw sa latest TikTok dance craze ngayon.
Game na game ang mga Dabarkads tulad nina Ice Seguerra, Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon, gayundin sina Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo pati na rin sina Allan K at Carren Eistrup.
Maging sina dating senador Tito Sotto at si Joey De Leon ay nakikisabay kay Bossing Vic na halos tapusin ang tugtugin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ilan lamang ito sa masasayang mga kaganapan sa E.A.T. buhat nang mapanood ulit sila sa telebisyon sa TV5.
Kamakailan din ay nakabalik na si Maine Mendoza sa kanilang programa matapos ang mga kaganapan kaugnay sa kanyang kasal kay Congressman Arjo Atayde.
Samantala, narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page ng TVJ:
Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Isa sa mga segment ng E.A.T. ay ang 'Babala! 'Wag kayong ganun...' na halintulad sa naging segment nila noon sa Eat Bulaga na 'Bawal Judgmental' kaya naman hindi kataka-takang sinusubaybayan na rin ito ng kanilang mga tagapanood dahil na rin sa mga natutunan nila sa kwentong naibabahagi ng kanilang mga nagiging panauhin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh