Anak ni Caridad Sanchez, ibinahagi ang nakakaantig na pag-uusap nila ng ina

Anak ni Caridad Sanchez, ibinahagi ang nakakaantig na pag-uusap nila ng ina

- Binahagi ni Cathy Sanchez Babao, isa sa dalawang anak ni Caridad Sanchez ang nakakaantig na pag-uusap nila ng kanyang ina

- Aniya, hindi pangkaraniwan ang pagbungad sa kanya ng ina bago sila magtanghalian nitong Linggo

- Naitanong daw niya sa ina kung sino siya upang matulungan itong maalala siya dahil sa karamdaman nito na dementia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Naging emosyonal daw siya nang sabihin ng ina niya na “Love. You are love. I love you very much”

Binahagi ni Cathy Sanchez Babao, isa sa dalawang anak ni Caridad Sanchez ang naging pag-uusap nila ng kanyang ina na umantig sa maraming netizens. Aniya, hindi niya inasahan ang sagot ng kanyang ina nang tanungin niya ito ng “What are we? Who am I to you?”

Read also

Lolit Solis, hangang-hanga kay Pauleen Luna: “kahit bata sa edad, mature ang pag iisip”

Anak ni Caridad Sanchez, ibinahagi ang nakakaantig na pag-uusap nila ng ina
Anak ni Caridad Sanchez, ibinahagi ang nakakaantig na pag-uusap nila ng ina (@cathybabao)
Source: Instagram

Aminado siyang natakot siya sa kakaibang kilos ng ina nang salubungin siya nito.

When we arrived, she pulled me close and hugged me very tight. She held me for what felt like an eternity like she didn’t want to let me go. It kind of scared me. Afterwards then she grabbed me by my right arm and pinched me so hard. What a grip! Although it hurt so much, I took it as her expression of joy over seeing us today.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, ginagawa niya minsan ang pagtatanong sa kanyang mommy para matulungan itong makaalala ng mga bagay-bagay.

Today over lunch, as I sometimes do, to help jog her memory, I asked her who I was in relation to her, wondering if today I would be daughter, sister, or BFF. “What are we? Who am I to you,” I asked her.

Read also

Lolit Solis kay Arnell Ignacio: "Dapat sa isang employee ng gobyerno, reachable"

Naantig siya nang sabihin ng kanyang mommy na mahal na mahal siya nito at pinigil niya ang luha nang ilahad din ang pagmamahal sa ina.

She looked me straight in the eye, in between bites of her favorite JT’s inasal, she replied, “Love. You are love. I love you very much.” I got so choked up. It was an answer that I did not expect. I held back my tears and said, “I love you too, mom.”

Aminado si Cathy na hindi madali ang mag-alaga sa mahal sa buhay na may dementia.

Si Caridad Yuson Sanchez-Babao ay isa sa mga kilalang batikang aktres sa bansa. Siya ang gumanap bilang si Nanay Idad sa drama series na Gulong ng Palad. Ikinasal siya kay Vicente Babao at nabiyayaan sila ng anak, sina Cathy Babao at Alexander Joseph Babao.

Matatandaang unang ibinahagi ni Cathy sa publiko ang tungkol sa pagkakaroon ng dementia ng kanyang ina. Taong 2015 umano na diagnose ang batikang aktres ng naturang sakit. Ayon pa kay Cathy, nanatiling malakas ang kanyang ina. Isinalarawan niya ang karamdaman ng ina na long goodbye.

Read also

Lolit Solis, nalungkot sa nabalitaan umano ukol kay Mother Lily: “hindi maganda ang pakiramdam lately”

Pagkatapos ng kanyang pagbabahagi sa publiko tungkol sa karamdaman ng ina, ang kapatid niyang si Alexander ay umalma at sinabing walang dementia ang kanilang ina. Aniya, mayroon lang itong mild cognitive handicap dala ng kanyang pagtanda. Nilinaw naman ni Cathy na hindi niya intension na masira ang image ng kanilang ina. Aniya, ang kanyang layunin ay maitaas ang kamalayan ng puliko tungkol sa dementia at ang kahalagahan ng pagtanggap nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate