Wally Bayola, humingi ng dispensa sa pagmumura: "Nagkamali po ako dun"

Wally Bayola, humingi ng dispensa sa pagmumura: "Nagkamali po ako dun"

- Inamin ni Wally Bayola na nagkamali siya sa kanyang nasambit sa isang live stream episode ng E.A.T sa segment nilang Sugod Bahay

- Sa episode ngayon, minabuti nilang humingi ng dispensa sa maling nagawa kahit pa hindi niya ito sinasadya

- Hindi naman maitago sa mukha ni Wally ang kanyang pagsisisi sa kanyang nagawang pagkakamali

- Nagpasalamat naman si Vic Sotto sa paghingi nito ng paumanhin at pagtanggap ng pagkakamali ni Wally

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Wally Bayola na mali ang kanyang nagawa nang marinig sa live stream ng E.A.T ang kanyang pagmumura sa "Sugod Bahay mga Kapatid" segment kahapon. Hindi naman maitago sa mukha ni Wally ang kanyang pagsisisi sa kanyang nagawang pagkakamali.

Wally Bayola, humingi ng dispensa sa pagmumura: "Nagkamali po ako dun"
Wally Bayola, humingi ng dispensa sa pagmumura: "Nagkamali po ako dun" (TVJ/YouTube)
Source: Youtube

Sa episode ng Sugod Bahay mga Kapatid ngayong araw ay naghayag ng mensahe si Wally.

Read also

Xander Schimmer, naglalambing nang bumisita sa ina: "I want to talk to you"

"Ako po ay may nabitawang salita na hindi ko po dapat sinasabi. Nagkamali po ako dun. At ako po ay humihingi ng paumanhin at pang-unawa ninyong lahat. Pasensiya na po. Pasensiya na po sa lahat."

Ayon naman kay Jose, mas maganda yung hindi nagmamatigasan at humingi ng kapatawaran sa maling nagawa. Aniya, hindi na mauulit ang ganoong pangyayari.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Muli po, nandito po kami para humingi ng dispensa sa inyo at makakaasa po kayo na hindi na po mauulit ang mga bagay na 'to."

Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Read also

Rendon Labador, tinawag ang pansin ng PSA para ipaliwanag ang nakitang mga National ID sa basurahan

Kamakailan ay nagpost si Joey de Leon ng isang makahulugang mensahe tungkol sa pagsasaya. Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang walang masamang magsaya kung tama ang dahilan. Hindi din daw masamang magbunyi kung walang nilalamangan at ninanakawan. Ito ang kanyang pahayag kasunod ng nauna niyang post tungkol sa aniya'y renewal.

Ayon kay Tugue Zombie, walang mali sa naging biro ni Jose Manalo sa kanilang segment na Sugod Bahay mga Kapatid. Aniya, hindi siya aware na may isyu pala tungkol sa birong ito ni Jose dahil wala namang masama sa naging biro sa kanya nang marinig niya ang joke. Kung siya mismo daw na siyang sinabihan ng biro ni Jose ay hindi nasaktan, ibig sabihin ay walang masama sa biro ni Jose. Pakiusap niya, sana ay huwag maging sensitive sa mga biruan nila sa Sugod Bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate