MTRCB Chair Lala Sotto: "Wala pong dahilan para ipatawag ang E.A.T"
- Nanindigan si MTRCB Chairperson Lala Sotto na may paglabag ang 'It's Showtime' kaya nararapat lang na ipatawag ang producers nito para makapagpaliwanag
- Aniya, wala naman dahilan para ipatawag niya ang E.A.T. dahil wala namang ginawang paglabag ang naturang show
- Ang ginawa umano ng kanyang ama na paghalik sa kanyang ina sa national TV ay nagpapakita umano ng mabuting ehemplo ng matinong marriage
- Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa programa nitong Cristy ferMinute sinabi nito na hindi niya kilala ang tinutukoy na vlogger na nagsasalita laban sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinanindigan ni MTRCB Chairperson Lala Sotto na walang dahilan para ipatawag niya ang E.A.T. dahil wala naman daw itong nagawang violation. Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sinabi niyang ang mga magulang niya ay nagpapakita umano ng mabuting ehemplo ng matinong marriage.
"Wala pong dahilan para ipatawag ang E.A.T dahil hindi po sila deserving for a "NOTICE TO APPEAR."
"Naniniwala ako at naninindigan ako, na ang aking mga magulang ay MABUTING EHEMPLO NG ISANG MATINONG MARRIAGE O PAGSASAMA NA PUNUMPUNO NG PAGMAMAHAL."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.
Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.
Maging ang mga employees ng GMA-7 ay masayang tinanggap ang paglipat ng It's Showtime sa GTV. Sa isang video na nilabas sa social media ay makikita ang ilang GMA employees na kumakanta ng theme song ng It's Showtime. Ilang Kapuso stars din ang bumisita sa It's Showtime sa unang araw nito sa GTV. Kabilang sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz sa mga guests.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh