Aiko Melendez: "Finally, graduate na po ako... Now, M.A. next"
- Masayang ibinida ni Aiko Melendez ang ilang mga larawan mula sa kanyang graduation
- Kasama ni Aiko ang kanyang mga anak na sina Andrei at Marthena na pawang inspirasyon niya sa pagtatapos
- Inabot man daw siya ng ilang taon bago makapagtapos, masaya siyang napagtagumpayan pa rin ito
- Si Aiko ay kasalukuyang naglilingkod bilang konsehal ng ikalimang distrito ng Quezon City
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tila walang pagsidlan ng kasiyahan si Aiko Melendez sa kanyang pagtatapos sa Philippine Women's University.
Sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa kursong BA Major in Communication Arts, kasama niya ang kanyang mga anak na sina Andrei at Marthena.
Taon man daw ang binilang ng kanyang pinakamimithing graduation na ito, siniguro niyang makakamit ang pinakamimithing diploma.
"The best gift I can ever gift my mother and my children, My Diploma. I may have achieved a lot already in life but nothing comes close to this.. Thank you Lord! How lucky I am to have something that makes saying goodbye so hard. This is the beginning of everything I want."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanyang post, naibahagi rin niya ang planong simulang agad ang pagkamit ng Masteral Degree.
"No matter what I’ve done, I have learned from my mistakes. Good times and bad times to come, I will still accept them. After all these years of waiting, finally, Graduate na po ako. Cheers! Philippine Women’s University Class 2023! Thank you to all my Profs, and to everyone else who made this possible! Now M.A. next"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod. Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.
Bukod sa kanyang pagiging konsehal ng unang distrito sa Quezon City, abala siya sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan noong nakaraan taon. Isa nga sa kanyang naging panauhin ay ang panganay na anak na si Andre. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa amang si Jomari Yllana.
Mapapanood din sa kanyang Youtube channel kung paano naglalaan ng oras si Aiko sa pagtulong sa kanyang mga kababayan. Isa na rito ang ginang na nakatira sa isang nitso, nakatira ang 37-anyos na si Myrna sa likod ng mga nitso ng naturang sementeryo sa isang maliit na silid na nasa ikalawang palapag. Sa kabila ng kanilang sitwasyon kasama ang limang mga anak, inakyat ito ni Aiko upang mas makilala si Myrna at pamilya nito at mabigyang pag-asa sa pamamagitan ng tulong na kanyang handog.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh