Katrina Halili, nakiusap sa GMA na mabawasan ang trabaho niya

Katrina Halili, nakiusap sa GMA na mabawasan ang trabaho niya

- Sa panayam kay Boy Abunda ay nilinaw ni Katrina Halili ang kanyang desisyon na magbawas ng trabaho

- Tuwing wala siyang trabaho ay umuuwi siya sa El Nido, Palawan

- Ito ay para maalagaan at matutukan niya ang anak niyang si Katrence na anak nila ni Kris Lawrence

- Naibahagi niyang may ASD- autism spectrum disorder ang anak niyang siyam na taong gulang at kailangan niyang mabigyan ng oras

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakiusap raw si Katrina Halili na sa GMA Network na bawasan ang kanyang workload para matutukan niya ang kanyang anak na mayroong ASD o autism spectrum disorder. Sa panayam ni Boy Abunda sa kanya, naibahagi niyang tuwing wala siyang trabaho ay umuuwi siya sa El Nido, Palawan.

Katrina Halili, nakiusap sa GMA na mabawasan ang trabaho niya
Katrina Halili, nakiusap sa GMA na mabawasan ang trabaho niya (GMA Network/YouTube)
Source: Youtube

Napagtanto niya daw na kailangan niyang bigyan ng panahon ang anak niya.

Read also

Gino Roque, hindi pa sinasagot ang pahayag ni Kiara Takahashi

“Actually, after pandemic po na-realize ko na wala akong time sa anak ko simula nung ipinanganak ko siya dahil after ng show, dire-diretso. ‘Tapos, nine na siya and meron po siyang ASD- autism spectrum disorder. So, pina-check ko siya sa doctor, sabi kailangan ko na siya tutukan hanggang mag-12 kasi baka lumala. Pero nasa mild lang naman po siya.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpaalam daw siya sa GMA na mabawasan ang kanyang trabaho.

“So, nag-decide ako na mag-cut ng work, magpaalam sa GMA na one soap na lang a year, ganiyan, para makatutok ako sa anak ko.”

Si Maria Katrina Irene Pe Halili o mas kilala bilang Katrina Halili, ay isang aktres na nakilala sa Starstruck, isang talent search sa GMA-7. Ipinanganak niya si Katrence noong September 2012.

Read also

Herlene Budol, sinabi ba’t malungkot kahit nanalong Ms. Tourism Philippines: “Punong-puno ako ng sama ng loob”

Matatandaang binahagi Katrina ang isang pasilip sa kanyang pinagawang bahay. Siya mismo daw ay naging hands-on sa pamimili ng mga materyales at furnitures sa kanyang bahay sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Namalagi daw sila ni Katie sa bahay ng celebrity manager na si Van Sayosa sa loob ng dalawang buwan habang ginagawa ang kanyang bahay.

Matatandaang naging usap-usapan at palaisipan sa mga netizens ang tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina. Ito ay matapos ibahagi ni Katrina ang kanilang mga litrato na kasama nila maging ang anak ng aktor sa dating karelasyon na si Ellen Adarna. Sa isang Showbiz News Update episode ni Ogie Diaz, napag-alamang magkaibigan lamang ang dalawa. Ang karelasyon umano ni Katrina ang malapit na kaibigan din ng aktor kaya maging sila ay naging magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel