TikTok video ni Heart Evangelista tungkol sa credit card, viral

TikTok video ni Heart Evangelista tungkol sa credit card, viral

- Naibahagi ni Heart Evangelista ang isang TikTok video noong buwan ng Hunyo ang tungkol sa credit card

- Makikita sa naturang TikTok video na ang fashion icon na tila nasa isang restaurant

- Nakalagay sa naturang video na handa na sana siyang magwaldas nang maisip niyang mayroon nang 24 months to pay na nakakarga sa card niya

- Hindi maiwasang maiugnay ito ng netizens sa lumabas na isyu kaugnay glam team ni Heart matapos ang lumabas na blind item ni DJ Jhaiho na pinabulaanan naman ng dating makeup artist ni Heart

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ang TikTok video ni Heart Evangelista na kanyang naibahagi noong buwan pa ng Hunyo ay binalikan ng mga netizens matapos lumabas ang isyu tungkol sa glam team niya. Nakalagay sa naturang video na handa na sana siyang magwaldas nang maisip niyang mayroon nang 24 months to pay na nakakarga sa card niya.

Read also

Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me do"

TikTok video ni Heart Evangelista tungkol sa credit card, viral
TikTok video ni Heart Evangelista tungkol sa credit card, viral (@iamhearte)
Source: Instagram

Kapansin-pansin na umabot na sa 2.4 million views ang naturang video kasunod ng paglabas ng bali-balita.

Nagsimula ito nang mapansin ng mga netizens na hindi na nakakasama ni Heart sa kanyang mga fashion events ang dating kasamahan na bahagi ng kanyang glam team. Hindi na rin naka-follow sa kanya at hindi na rin niya fina-follow sa Instagram.

Hindi maiwasang maiugnay ito ng netizens sa lumabas na isyu kaugnay glam team ni Heart matapos ang lumabas na blind item ni DJ Jhaiho na pinabulaanan naman ng dating makeup artist ni Heart.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate