Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me Do"

Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me Do"

- Binahagi ni Heart Evangelista ang awiting "Look What You Made Me Do" ni Taylor Swift

- Ito ay sa gitna ng lumabas na balita tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang glam team na kasalukuyang hindi na rin naka-follow sa kanya at hindi na rin niya fina-follow sa Instagram

- Ang awiting ito ni Taylor Swift ay tungkol sa betrayal ng kaibigan

- Wala namang nilalabas na pahayag si Heart para pabulaanan o kumpirmahin ang lumabas na bali-balita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram Stories ang awiting "Look What You Made Me Do" ni Taylor Swift na may mensahe tungkol sa friendship betrayal. Ito ay sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa dahilan ng pag-alis ng kanyang glam team.

Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me do"
Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me do" (@iamhearte)
Source: Instagram

Napansin ng mga netizens na hindi na nakakasama ni Heart sa kanyang mga fashion events ang dating kasamahan. Hindi na rin naka-follow sa kanya at hindi na rin niya fina-follow sa Instagram.

Read also

MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore"

Wala namang nilalabas na pahayag si Heart para pabulaanan o kumpirmahin ang lumabas na bali-balita.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me Do"
Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me Do"(@iamhearte)
Source: Instagram

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate