Miss Grace, ibinida ang kanyang picture sa bakasyon niya sa Thailand

Miss Grace, ibinida ang kanyang picture sa bakasyon niya sa Thailand

- Nag-post si Miss Grace ng picture niya na kuha sa kanyang pamamasyal sa Thailand

- Bukod sa kanyang ganda, marami ang nakapansin at naaliw sa kanyang suot na T-shirt

- Marami sa mga netizens ang natawa at hinihingi ang T-shirt niyang ito

- Suot ni Miss Grace ang puting shirt na may pangalang "Pambansang Kulangot"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Miss Grace ng isang Facebook post ng pictures niya na kuha sa pamamasyal niya sa Taling Chan Floating Market sa Thailand. Bukod sa kanyang ganda, marami ang nakapansin at naaliw sa kanyang suot na T-shirt.

Miss Grace, ibinida ang kanyang picture sa bakasyon niya sa Thailand
Miss Grace, ibinida ang kanyang picture sa bakasyon niya sa Thailand
Source: Facebook

Marami pa rin sa kanyang mga taga-suporta ang pinansin ang kanyang kagandahan at pagiging matatag na babae. Bukod dito ay umani ng maraming komento ang kanyang T-shirt na suot na may nakalagay na "Pambansang Kulangot."

Read also

Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin

Narito ang ilang komento:

Yung t-shirt ang nag dala Ms.With Miss Grace.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dun ako sa Pambansang Kulangot sabay pitik sa basurahan hahahahah ang witty mopo Miss Grace
Natawa nman ako sa shirt With Miss Grace very witty & clever

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Read also

Derek Ramsay, binahaging nabuntis si Ellen Adarna pero nakunan

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate