Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

- Aminado si Andrea Brillantes na iniyakan niya noon ang kanyang pagkakaroon ng congenital anosmia

- Wala na raw itong lunas kaya nalulungkot si Andrea dahil hindi daw kompleto ang life experience niya

- Ang congenital anosmia ang kondisyon ng isang tao na isinilang nang walang pang-amoy

- Sa kanyang bagong vlog ay nilaro nina Andrea at Vice Ganda ang "Never have I ever challenge" with a twist

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Andrea Brillantes, iniyakan niya noon ang kanyang pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas. Dahil sa kanyang kondisyon ay parang hindi daw kompleto ang life experience niya.

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas
Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas (@blythe)
Source: Instagram

Sa kanyang bagong vlog kung saan nakasama niya si Vice Ganda ay ginawa nila ang "Never have I ever challenge" with a twist.

Naitanong sa kanya ni Vice kung ano ang pakiramdam nang walang panmg-amoy.

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Iniyak ko na yun dati eh. Kasi sabi daw wala 'tong cure. Siyempre parang malungkot parang hindi complete yung life experience ko. Hindi ko maamoy yung mga nakita kong artista.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Grade 10 student, niregaluhan ng Php1 milyon ng kanyang kuya

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate