Regine Tolentino, nagpasalamat sa love and support matapos ang wardrobe malfunction nya

Regine Tolentino, nagpasalamat sa love and support matapos ang wardrobe malfunction nya

- Minabuti ni Regine Tolentino na ibahagi ang buong pangyayari sa nag-viral na wardrobe malfunction niya kamakailan sa 'It's Showtime'

- Habang nagsasayaw ay hindi sinasadyang nakita ang maselang bahagi ng katawan niya

- Inihingi niya ito ng dispensa sa audience lalo at live ang kanilang performance

- Aniya, ginawa naman ng management ang kanilang magagawa para huwag nang kumalat ang video at pinasalamatan niya ang lahat na nagpakita ng love and support sa kanya sa kanyang pinagdaanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Regine Tolentino ang pangyayari nitong nakaraan na nagperform siya sa It's Showtime at nagkaroon ng wardrobe malfunction. Inihingi niya ito ng dispensa sa audience ang nangyari lalo at live ang kanilang performance.

Regine Tolentino, nagpasalamat sa love and support matapos ang wardrobe malfunction nya
Regine Tolentino, nagpasalamat sa love and support matapos ang wardrobe malfunction nya (@reginetolentino)
Source: Instagram

Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang kanilang naging rehearsals hanggang sa paghahanda bago ang kanilang performance. Makikita din kung paano ginawa ang kanilang costume kasama si Sheree na kasabay niya sa isang production number.

Read also

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Pinasalamatan niya ang lahat na nagpakita ng love and support sa kanya sa kanyang pinagdaanan. Si Vhong daw ang agad na nagpaabot ng jacket para may masuot siya.

Maging si Sheree ay sinabihan si Regine na wala siyang dapat ikahiya dahil aksidente ang nangyari.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ani Regine, ginawa naman ng management ang kanilang magagawa para huwag nang kumalat ang video.

Si Regine Tolentino ay dating ikinasal sa aktor na si Lander Vera Perez. Una silang nagkakilala sa set ng Flames, isang teen drama anthology na pinabalabas noon sa ABS-CBN. Nagkahiwalay sila noong 2001 at muling nagkabalikan. Gayunpaman, naibalitang taong 2015 nang muli silang naghiwalay.

Matatandaang umani ng reaksiyon at positibong komento ang post-partum body ni Regine kamakailan. Matatandaang taong 2020 nang isapubliko ni Regine ang kanyang panganganak sa kanyang bunsong si Rosie.

Read also

Toni Fowler, hindi nagustuhan ang regalo ni Vince Flores: "Kailangang ko maging honest sa'yo"

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Regine ang kanyang kasagutan sa ilang mga tanong ng netizens sa kanya. Kabilang sa kanyang sinagot ay ang tungkol sa kanyang bagong asawa na ama ng kanyang bunsong anak. Ani Regine, mas masaya na siya ngayon at maayos pa rin ang kanyang itinayong negosyo matapos ang 22 taon. Sa comment section naman ay sinabi niyang walang trabaho at cheater ang una niyang asawa na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate