LJ Reyes, blooming sa kanyang glossy and glassy makeup look

LJ Reyes, blooming sa kanyang glossy and glassy makeup look

- Ibinida ng professional makeup artist na si Mikka Marcaida ang ganda ng soon-to-be bride na si LJ Reyes sa kanyang Instagram post

- Inilarawan niya ang makeup niya kay LJ bilang glossy and glassy at marami ang nagkomento sa pagiging blooming nito

- Kamakailan ay kasama din si Mikka sa post na binahagi ni LJ kung saan sila ay nag-uusap tungkol sa kanilang wedding preparations

- Matatandaang nag-viral ang post ni LJ kamakailan kaugnay sa kanyang engagement

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Blooming si LJ Reyes sa ibinidang makeup look ng kanyang makeup artist na si Mikka Marcaida. Kamakailan ay kasama din si Mikka sa post na binahagi ni LJ kung saan sila ay nag-uusap tungkol sa kanilang wedding preparations.

LJ Reyes, blooming sa kanyang glossy and glassy makeup look
LJ Reyes, blooming sa kanyang glossy and glassy makeup look (@lj_reyes)
Source: Instagram

Inilarawan niya ang makeup niya kay LJ bilang glossy and glassy at marami ang nagkomento sa pagiging blooming nito. Maging ang ilang mga kaibigan ni LJ sa showbiz ay masaya para kay LJ.

Read also

Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa London

Sa nakaraang post ay nakasama ni LJ Reyes ang kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista sa wedding planning na kanyang pinakita sa kanyang Instagram story. Makikita sa kanyang post ang kanilang pakikipag-usap sa makeup artist na si Mikka Marcaida at sa Nice Print Photography.

Matatandaang sa kanyang paglipat sa America kasama ang kanyang mga anak ay naging kalakip ang kanyang pagluha dahil sa paghihiwalay nila ng dating karelasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tanghaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng "StarStruck".

Kamakailan ay binahagi ni LJ ang picture ng anak nila ni Paolo Contis na si Summer. Sa naturang picture, makikita si Summer na nasa park at nakangiti sa camera. Marami sa mga netizens ang nagkomento sa pagiging cute ng anak ni LJ. Matatandaang noong nakaraang taon ay tumulak papuntang New York ang mag-iinang LJ, Aki at Summer at doon na namalagi.

Read also

AJ Raval, nagbahagi ng picture kasama ang pamilya at si Aljur Abrenica

Isang pagbati naman ang binahagi ni LJ para sa kaarawan ng panganay na anak niyang si Aki. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni LJ ang mga litrato ng anak. Isang nakakaantig na mensahe ang kalakip ng kanyang mga pictures. Ani LJ, marami siyang natutunan kay Aki pagdating sa pagiging magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate