Cristy Fermin, binati si Pauleen Luna: "'Nung dumating ang swerte, bumuhos"
- Binati ni Cristy Fermin si Pauleen Luna na umano'y nagdadalang-tao
- Ani Cristy, tila bumuhos ang swerte hindi lamang sa TVJ kundi maging sa pamilya ni Vic Sotto
- Matatandaang tinawag ni Joey De Leon na 'buntis' si Pauleen Luna sa pilot episode nila ng E.A.T. sa TV5
- Noong Hulyo 1, pinakaabangan ng marami ang pagsisimula ng programang E.A.T. kung saan marami ang naging emosyonal sa pagbabalik ng TVJ sa noontime
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nabanggit ni Cristy Fermin ang umano'y pagbubuntis ni Pauleen Luna sa ikalawang anak nila ni Vic Sotto.
Nalaman ng KAMI na binati umano ni Cristy si Pauleen na umano'y isa sa mga nabuhusan din ng swerte bukod sa TVJ.
"At hindi natin naikwento, nagdadalang-tao si Pauleen Luna para sa kanilang ikalawang anak ni Vic Sotto. May kapatid na si Tali. 'Nung dumating ang swerte, bumuhos," masayang naibulalas ni Cristy.
Matatandaang sa pilot episode ng E.A.T. sa TV5 noong Hulyo 1, natawag na buntis ni Joey De Leon si Pauleen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bumuhos din ang emosyon kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa unang araw nila sa TV5. Maging ang kanilang pamilya na naroon din sa studio ay naluha at todo ang suporta sa kanilang paglipat sa bagong tahanan.
Pinakaabangan ito ng marami lalo na at nakatapat nila ang programang 'Eat Bulaga' kung saan sila ang orihinal na mga hosts.
Samantala, narito ang kabuuan ng naging talakayan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez sa bagong episode nila ng Showbiz Now Na!:
Si Pauleen Luna ay isang aktres at TV host sa Pilipinas. Napangasawa niya si Vic Sotto na isang komedyante, singer at TV host kasama ng kanilang trio na TVJ o Tito, Vic and Joey. Naging bahagi siya ng noontime show na Eat Bulaga.
Samantala, ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh