Raul Dillo aka 'Pinoy Frankenstein,' natupad ang pangarap na magkaroon ng tricycle

Raul Dillo aka 'Pinoy Frankenstein,' natupad ang pangarap na magkaroon ng tricycle

- Pinuntahan ni Bernadette Sembrano ang tinitirhan ni Raul Dillo na nakilala bilang Pinoy Kapre o Frankenstein sa mga Pinoy movies at mga palabas

- Natupad na ang isang hiling niya na magkaroon ng trabaho dahil napabilang na siya sa 'FPJ's Batang Quiapo'

- Hindi nito napigilan ang emosyon nang makita ang sorpresa ni Bernadette at ng kanyang asawa na isang tricycle

- Lubos ang kanyang pasasalamat dahil aniya ay may service na sila lalo na sa pagsundo ng anak sa paaralan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Raul Dillo na nakilala bilang Pinoy Kapre o Frankenstein sa mga Pinoy movies at mga palabas matapo niyang makita ang sorpresa ni Bernadette Sembrano na tricycle para sa kanya. Natupad na ang isang hiling niya na magkaroon ng trabaho dahil napabilang na siya sa FPJ's Batang Quiapo.

Read also

Vhong Navarro, nagdiwang ng kaarawan; Kanto Boys, muling nagsama-sama

Raul Dillo aka 'Pinoy Frankenstein,' natupad ang pangarap na magkaroon ng tricycle
Raul Dillo aka 'Pinoy Frankenstein,' natupad ang pangarap na magkaroon ng tricycle (Bernadette Sembrano/YouTube)
Source: Youtube

Lubos ang kanyang pasasalamat dahil aniya ay may service na sila lalo na sa pagsundo ng anak sa paaralan. Pinasalamatan naman ni Bernadette ang kanyang tinawag na Ka-B-yanihan na siyang tumulong sa kanya na matupad ang pangarap na tricycle ni Raul.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Raul Dillo ay dating basketball player na may tangkad na 7’3." NAging aktor din siya at naging bahagi ng ilang TV shows at pelikula. Naging bahagi siya ng University of the East Red Warriors ngunit nasa training team. Naging bahagi din siya ng San Juan Knights. Nakilala siya sa kanyang mga paggananp bilang Frankenstein o di kaya ay Kapre sa mga pelikula at TV shows.

Naibahagi din ni Bernadette sa kanyang vlog ang kanilang muling pagkikita ni Yorme Aaron Sunga. Isinama niya si Yorme para matupad ang pangarap nitong makasakay sa eroplano. Hindi nito maitago ang kasiyahan niya at pagkamangha nang lumipad na ang eroplanong kanilang sinasakyan. Pumunta sila sa Roxas City kung saan kumain sila at bumalik din sa Maynila sakay ulit ng eroplano.

Read also

Alyssa Alvarez, kabilang sa sumalang sa Tawag ng Tanghalan

Nakasama din ni Bernadette sina Jhong Hilario, Maia Leviste Azores at anak nilang si Sarina Hilario sa kanyang vlog. Kinaaliwan ang pagiging bibo ni Sarina at sa pagiging masayahin nito na kitang-kita sa video na binahagi ni Bernadette. Ayon kina Jhong, kahit pandemic ay sinubukan nilang ilabas ito at bigyan ng mga bagay na kanyang pagkaabalahan. Flattered at masaya daw sila na marami ang natutuwa sa kanilang anak na nahihilig din sa pagkanta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate