Vhong Navarro, nagdiwang ng kaarawan; Kanto Boys, muling nagsama-sama
- Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Vhong Navarro, isang production number ang kanilang hinanda
- Muli ay nakasama niya ang mga miyembro ng grupo nilang Kanto Boys na kinabilangan nina Luis Manzano at Billy Crawford
- Hindi naman nakadalo si John Lloyd Cruz ngunit si Pepe Herrera ang naroon na kasama nila
- Kasama din sa production number si Joshua Garcia na game na nakipagsabayan sa kanila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling nagkasama-sama ang Kanto Boys na Vhong Navarro, kinabilangan nina Luis Manzano at Billy Crawford. Imbes na si John Lloyd Cruz, si Pepe Herrera ang naroon na kasama nila.
Nakasama din nila ang Kapamilya hearthrob na si Joshua Garcia na game na nakipagsabayan sa kanila.
Matatandaang sumikat ang grupo nila bilang nagtatanghal din sa ASAP.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Source: KAMI.com.gh