TAPE Inc., kakasuhan umano ang mga staff na sumama sa TVJ ayon sa source ni Cristy

TAPE Inc., kakasuhan umano ang mga staff na sumama sa TVJ ayon sa source ni Cristy

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y nabalitaan niyang pagsasampa ng kaso ng TAPE sa mga empleyado ng 'Eat Bulaga' na sumama sa TVJ

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang bukod sa main host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon gayundin ang mga Legit Dabarkads, ilang mga staff ng Eat Bulaga ay nagdesisyong sumama sa kanila

- Sa ngayon, tuloy ang 'isang libo't isang tuwa' ng TVJ sa programa nilang E.A.T. sa bago nilang tahanan, ang TV5

- Umaasa pa rin ang tatlo na mapapasakanila pa rin ang pangalang Eat Bulaga na naisip umano ni Joey De Leon

Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika sa programa nilang Showbiz Now Na! ay ang demandahang posibleng maganap sa pagitan ng TAPE at dati nitong mga empleyado.

Read also

Cristy Fermin, binati si Pauleen Luna: "'Nung dumating ang swerte, bumuhos"

TAPE Inc, kakasuhan umano ang mga staff na sumama sa TVJ ayon sa source ni Cristy
Mayor Seth "Bullet" Jalosjos ng TAPE Inc. (@bullet888)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy umanong empleyado ay ang mga staff na sumama kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa pamamaalam nila sa TAPE.

"Meron ding isang kwento na nabasa ko na idedemanda raw ng TAPE Inc. ng magkakapatid na Jalosjos ang mga staff na sumama sa Tito, Vic and Joey," ani Cristy.

"Hindi naman pupwedeng sisihin ang TVJ, hindi sila empleyado. 'Nung umalis sila, wala naman silang sabit. Hindi sila empleyado, talents sila," paliwanag pa ni Cristy.

Sa ngayon, hindi rin talents na maituturing ang TVJ ng Media Quest sa paglipat nila ng TVJ. Co-owners din silang maituturing ng bago nilang programa na E.A.T.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

Megastar, na-bash umano sa pagbanggit ng 'Alden' kay Maine; nagpaliwanag ayon kay Ogie D

Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng Eat Bulaga ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica