Luis Manzano sa pagkanta ni Anne Curtis kay Peanut: "First time ko nakita naguluhan anak ko"

Luis Manzano sa pagkanta ni Anne Curtis kay Peanut: "First time ko nakita naguluhan anak ko"

- Kinaaliwan ang video ni Anne Curtis na kumakanta ng 'Part of Your World'

- Kinantahan niya ang anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Rosie na kilala sa kanilang tawag na 'Peanut'

- Pabiro pa sinabi ni Luis na most traumatic memory ng anak niya ang pagkanta ni Anne

- Sagot naman ni Anne, pang-Disney princess ang boses niya para sa mga bata

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Luis Manzano ang video ng pagkanta ni Anne Curtis sa anak niya. Pabiro pang sinabi ni Luis na most traumatic memory ng anak niya ang pagkanta ni Anne.

Luis Manzano sa pagkanta ni Anne Curtis kay Peanut: "First time ko nakita naguluhan anak ko"
Luis Manzano sa pagkanta ni Anne Curtis kay Peanut: "First time ko nakita naguluhan anak ko" (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Makikita sa video na kinantahan ni Anne si Rosie o mas kilala sa tawag na Peanut ng awitin mula sa Disney movie na Little Mermaid ang 'Part of Your World.'

Read also

Gerald Anderson, sinabing magaan karelasyon si Julia Barretto

Tumitingin lang din si Peanut at nakikinig habang todo-bigay si Anne. Pabiro pa sinabi ni Luis na most traumatic memory ng anak niya ang pagkanta ni Anne. Sagot naman ni Anne, pang-Disney princess ang boses niya para sa mga bata.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, sa caption ng video ay pabiro ding sinabi ni Luis na naguluhan daw ang anak niya.

Sa 6 months nya sa mundong to, first time ko nakita naguluhan anak ko

Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Joey de Leon, tinawag si Pauleen Luna na 'buntis' sa live streaming ng E.A.T.

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel