Ogie Alcasid, nag-rebook ng flight para makadalo ng contract signing ng It's Showtime sa GTV

Ogie Alcasid, nag-rebook ng flight para makadalo ng contract signing ng It's Showtime sa GTV

- Nabanggit ni Ogie Alcasid na nag-rebook siya ng flight patungo sanang Qatar para sa contract signing ng 'It's Showtime' sa GTV

- Nais din niya umanong makita muli ang kanyang mga boss sa GMA na naging tahanan din nila ng kanyang misis na si Regine Velasquez

- Labis ang pasasalamat ni Ogie sa pagtanggap ng GTV bilang bagong istasyon kung saan mapapanood ang 'It's Showtime'

- Simula July 1, makakasama pa rin ng mga Kapamilya at Kapuso ang 'It's Showtime' family sa GTV

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumuhos ang emosyon ni Ogie Alcasid nang magbigay mensahe ito sa contract signing ng It's Showtime sa GTV.

Ogie Alcasid, nag-rebook ng flight para makadalo ng contract signing ng It's Showtime sa GTV
Ogie Alcasid (GTV)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi sana makadadalo si Ogie sa naturang pagtitipon dahil sa show nila ng misis na si Regine Velasquez sa Qatar.

Read also

ABS-CBN at GMA executives pumirma na ng kontrata para sa paglabas ng It's Showtime sa GTV

"I was not supposed to be here today cause we have a concert in Qatar with my wife. So she flew ahead of me. And I rebooked for tomorrow so i-charge ko nalang po kay Tita Cory 'yung rebooking Hindi joke lang. But I really wanted to be here today for many reasons. One of which is gustong-gusto ko pong makita 'yung mga dati kong boss."

Nais din niya na muling makita at makasama ang dati niyang mga boss sa GMA na una nilang naging tahanan ng misis na si Regine Velasquez.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I also wanted to be here for my bosses. Because sila po ang laging nakikipaglaban para sa lahat ng mga kapamilya. Para sa'min, sa mga talent na lahat ng mga binanggit ni Vice kanina, 'yung madlang pipol. Na sumasabay sa aming lahat kung saanman kami magpunta. Sila po 'yun. Maraming salamat sa inyo mga boss namin."

Read also

Ogie D sa viral version ng 'Jopay' ni Luis Hontiveros: "Dapat pinaghahandaan"

Aniya, napakahalaga ng araw na ito para hindi niya mapuntahan. Ito umano ang patunay na maliit ang industriya ng showbiz kaya ang dating magkakatunggaling istasyon, ngayo'y nagkakaisa para magbigay saya sa publiko.

"And I also wanna be here because this is something that I didn't want to miss. I'm sure narinig niyo na 'yung kasabihan na ang liit lang ng industriya natin e. Nagkikita-kita rin lang naman tayo. And today proves that"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa ABS-CBN YouTube channel:

Si Ogie Alcasid ay isang actor, comedian, singer at television host sa Pilipinas. Una siyang naging Kapuso kasama ng kanyang misis na si Regine Velasquez bago sila naging Kapamilya kung saan sila nananatili hanggangan ngayon. Isa na sa mga makukulit na hosts ng It's Showtime at regular performer sa ASAP Natin'To. Kasama niya rin sa naturang programa si Regine na sa kabila ng nangyaring ABS-CBN shutdown, nanatili sila sa naturang istasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica