Vice Ganda, sa GTV: "I'm just very hopeful, very grateful and very excited"
- Isang makabuluhang mensahe ang naibigay ni Vice Ganda sa contract signing ng It's Showtime family sa GTV
- Naihalintulad niya ang It's Showtime, ABS-CBN at GMA sa iba't ibang aspeto ng pagiging isang Pilipino
- Aniya, 'hopeful, grateful at very excited' umano siya sa bagong tahanan ng It's Showtime
- Mapapanood na ang It's Showtime sa GTV simula sa Sabado, July 1
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV ngayong Hunyo 28.
Nalaman ng KAMI na makabuluhang mensahe ang naibahagi ni Vice na naglalarawan sa pagiging Pilipino ng It's Showtime, ABS-CBN at GMA.
Narito ang ilan sa mahahalaga niyang nasabi:
"Sobrang saya ko na nangyayari ito at itong pangyayaring ito'y sadyang Pinoy na Pinoy. Pilipinong-pilipino itong nagaganap ngayon"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Ang Showtime, ay parang kumakatawan sa lahat ng pamilyang Pilipino. yung pamilyang Pilipino na lahat yata ng kaganapan sa buhay ay dinanas. 'Yung pangkaraniwang Pilipino na lahat na yata ng bagyo ay hinarap. Lahat na yata ng klase ng baha ay naranasan"
"Lahat na yata ng klase ng problema sa pamilya ay naranasan. Pero patuloy pa ring tumatayo dahil sa pagmamahal na nararamdaman nila sa kasamahan nila sa bahay. At dahil mahalaga sa kanila ang pamilya, kaya patuloy silang lumalaban sa lahat ng hamon ng buhay na hinarap noon at haharapin pa sa sa kasalukuyan"
"At ang ABS-CBN naman, kumakatawan sa lahat ng mga magulang sa lahat ng bahay. 'Yung kahit anong kaharapin ng mga anak niya, kahit anong danasin ng bahay niya, kahit anong danasin ng pamilya niya, 'yung mga magulang kahit anong hirap, hinding-hingi titigil sa paghahanap ng paraan para maitaguyod ang pamilyang ito."
"At ang GMA naman ay Pilipinong-pilipino na parang mga kapitbahay na sa panahon ng pangangailangan ay handang mag-alay ng bayanihan sa nangangailangan nilang kapwa Pilipino"
"Kaya itong nangyayaring ito ay Pilipinong-Pilipino. ito ay istorya ng tagumpay para sa akin, para sa mga kasamahan ko, para sa mga bosses natin. At lalo't higit sa madlang pipol na nanonood at sumusubaybay ng mga programa natin"
"Masayang-masaya, sobra ko pong saya. Hindi ko makita saan ito pupunta. Kung saan dadalhin ang programa. Kung ano ang kahihinatnan ng araw na ito. Di ko alam ko, pero ang ang alam ko, ang pangyayaring ito ay magiging susi o magiging simula ng napakarami pang magagandang susunod na pangyayari."
"Kaya I'm just very hopeful, very grateful and very excited."
Samantala, narito ang mga kaganapan sa naturang contract signing mula sa ABS-CBN YouTube channel:
Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.6 million subscribers.
Kamakailan, hinangaan di Vice dahil sa tulong na ibinigay nito sa isang street sweeper na Php145 lang kada araw ang kinikitang allowance. Bilang pandagdag kabuhayan, binigyan ito ni Vice ng puhunan upang makapagpatayo ng munting sari-sari store.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh