Cristy sa Sharon-Gabby movie: "Gagawin natin ang lahat para magkaroon ng posibilidad"

Cristy sa Sharon-Gabby movie: "Gagawin natin ang lahat para magkaroon ng posibilidad"

- Isa umano si Cristy Fermin sa mga natanong tungkol sa posibilidad ng Sharon-Gabby movie

- Ani Cristy, isa umanong producer ang nais na makagawa ng proyekto sa pagbabalik pelikula ng dalawa

- Marami-rami kasi ang talagang nakaabang sa proyektong ito na matagal nang naibabalitang binabalak talagang gawin

- Taong 2021 nang unang mapabalita ang umano'y gagawing proyekto nina Sharon at Gabby ngunit hindi natuloy hanggang sa nag-unfollow pa ang dalawa sa Instagram

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Cristy Fermina ang umano'y pag-uusisa ng isang executive producer kung magkakaroon nga ba ng posibilidad ang isang Sharon-Gabby movie.

Cristy sa Sharon-Gabby movie: "Gagawin natin ang lahat para magkaroon ng posibilidad"
Sharon Cuneta and Gabby Concepcion (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami-rami na umano ang nagnanais na makita muling magkasama ang dalawa sa isang proyekto mapa-telebisyon man o sa pelikula.

Ayon kay Cristy, mayroong masigasig na nais maisakatuparan ito lalo't matagal nang nagiging usap-usapan ang pagluluto ng nasabing pelikula.

Read also

Joey De Leon sa bashers: "'Wag mong pakialaman ang tao pag gustong magtrabaho"

"May isang producer na tumawag sa akin. Ang sabi niya, nanay, magagawan niyo po ba ng paraan na makuha natin si Gabby Concepcion at si Sharon Cuneta para sa isang pelikula?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Isa lang ang sagot ko. Anak, gagawin natin ang lahat para magkaroon ng posibilidad at katotohanan ang proyektong gusto niyong i-produce."

Matatandaang taong 2021 pa nang bigyang pag-asa nina Sharon at Gabby ang kanilang fans nang makitang magkasama ang dalawa sa isang larawan. Sinabing pinaplano na umano noong ang isang proyekto na pagsasamahan nila subalit kalauna'y hindi na nga natuloy at nag-unfollow pa ang dalawa sa Instagram.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy ukol dito mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan. Nabiyayaan sila ng supling at ito nga ay si KC Concepcion. Muling nag-asawa ang Megastar at ito nga ay ang dating senador na si Kiko Pangilinan kung saan nabiyayaan sila ng tatlo pang mga anak.

Read also

Rendon sa mga nais pumayat pero walang diet at exercise: "Niloloko niyo ba ako?"

Matatandaang sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi na napigilan pa ni Sharon ang pagbulalas niya ng totoong estado ng relasyon nila ng anak na si KC. Nabanggit din niya kung gaano niya ito kamahal at gaano ito kahalaga sa kanya lalong-lalo na sa kanilang pinagdaanan bilang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica