Cristy, hanga sa pagpapalaki ni Sharon Cuneta kay KC Concepcion

Cristy, hanga sa pagpapalaki ni Sharon Cuneta kay KC Concepcion

- Bilib umano si Cristy Fermin sa pagpapalaki ni Sharon Cuneta sa panganay na si KC Concepcion

- Ito ay matapos na mapanood umano nina Cristy ang vlog ni KC tungkol sa kung paano niya muling nakasama ang amang si Gabby Concepcion

- Sa naturang vlog, nabanggit ni KC kung paano siya sinuportahan ng inang si Sharon sa pagkikita nila ng kanyang ama

- Ani Cristy, masasabing hindi kailanman nagtanim ng galit si Sharon kay Gabby kaya naman kabutihan ng kanyang puso ang naipasa nito sa anak nilang si KC

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hanga umano si Cristy Fermin sa kung paano pinalaki ni Sharon Cuneta ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Cristy, hanga sa pagpapalaki ni Sharon Cuneta kay KC Concepcion
KC Concepcion and Sharon Cuneta
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na muli itong napag-usapan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa programa nilang Showbiz Now Na! matapos na ilabas ni KC ang vlog kung paano sila nagkitang muli ng kanyang ama na si Gabby Concepcion.

Read also

Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes"

Sa naturang vlog kasi, nabanggit ni KC kung paano siya sinuportahan ng kanyang ina para makasama niyang muli ang kanyang ama.

Siyam na taong gulang pa lamang noon si KC nang lumipad patungong Amerika ang ama na noo'y inakala niyang magbabakasyon lamang ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

21 taong gulang na siya nang mapuntahan niya ang ama na noo'y sabik na sabik nang makasama siyang muli.

Nabanggit pa umano sa naturang vlog na si Sharon pa ang nagbigay ng pamasahe kay KC, makapiling lang nito ang kanyang ama.

Dahil dito, humanga sina Cristy sa kabutihan ng puso ni Sharon na hindi umano nagtanim ng galit sa hiwalayan nila ni Gabby noon.

"Sobra talaga akong sumasaludo kay Sharon Cuneta, bilang siya pa mismo ang nagbigay ng pamasahe ni KC na noo'y nag-aaral sa Paris para hanapin ang kanyang ama at puntahan sa San Francisco," ani Cristy.

Read also

Toni Fowler, binahagi ang convo nila ng ama ni Tyronia na si Elon Manalo

"Ang ganda-ganda na hindi siya nagtanim ng sama ng loob na inilipat niya sa kanyang anak," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Kamakailan, sa interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica