Bryan Revilla, nag-sorry sa mga naabala ng pagkasunog ng sasakyan niya sa EDSA
- Naibahagi ni Bryan Revilla ang picture ng kanyang sasakyan na nag-aapoy habang nasa EDSA
- Pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong sa kanya at agad na rumisponde
- Kahit hindi niya kagustuhan o kontrolado ang naganap, humingi siya ng paumanhin sa mga naabala dahil sa pangyayari
- Pinaalalahanan niya rin ang mga kagaya niya driving enthusiasts na ugaliing ipasuri ang sasakyan at maging maingat
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Humingi ng dispensa si Bryan Revilla sa mga naabala matapos masunog ang kanyang sasakyan sa EDSA. Pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong sa kanya at agad na rumisponde.
Wala naman daw nasaktan at agad siyang nakalabas ng sasakyan. Patuloy daw siyang makikipagtulungan sa kinauukulan para matukoy ang pinagmulan ng apoy.
Aniya, kahit hindi niya kagustuhan o kontrolado ang naganap, humingi siya ng paumanhin sa mga naabala dahil sa pangyayari.
While this was a completely unforeseen incident, I am aware that it has caused inconveniences to my fellow road-users and for that I am sorry.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pinaalalahanan niya rin ang mga kagaya niya driving enthusiasts na ugaliing ipasuri ang sasakyan at maging maingat.
This is a reminder to my fellow drivers and enthusiasts to regularly have cars checked for road-worthiness, be vigilant while driving and be responsible road-users.
Si Bryan Joseph H. Bautista o mas kilalang Bryan Revilla ay galing sa angkan ng mga Revilla. Ipinanganak noong Ika-22 ng Nobyembre, 1986. Panganay nina Sen. Ramon Revilla Jr. at Lani Mercado. Siya ang kasalukuyang AGIMAT party-list Representative.
Matatandaang ang kanyang kapatid na si Jolo Revilla ay naging usap-usapan matapos maipost sa kanyang socmed account ang larawan ni Lapu-Lapu bilang paggunita sa ika 500 taon ng pagkapanalo nila sa laban sa Mactan. Gayunpaman, sa caption ng naturang post ay nakasaad ang pagsaludo kay Ferdinand Magellan dahil sa umano'y pagbuwis nito ng buhay para sa kalayaan. Kinalaunan ay nilinaw niyang intern daw sa kanilang social media team ang nag-post nito.
Samantala, kamakailan ay nakapasa sa 2022 Bar Examinations ang anak ni Bong Revilla na si Inah. Inihayag ni Bong ang kanyang kasiyahan sa pamamagitan ng isang post sa social media. Proud siya sa anak na napagsabay ang pagiging ina at ang kanyang pag-aaral. Hindi daw niya mapigilang maluha sa tuwa sa accomplishment ng anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh