Maine Mendoza, isa umano sa inalok ng dobleng TF para mag-stay sa EB ayon kay Allan K
- Isa umano si Maine Mendoza sa mga naalok ng TAPE Inc. na doblehin ang talent fee para manatili sa 'Eat Bulaga'
- Ani Allan K, una silang nabigyan ng offer nina Jose Manalo at Wally Bayola
- Sa ikalawa umanong meeting ay si Maine naman ang nabigyan ng naturang offer
- Gayunpaman, lahat pa rin sila'y sumama sa pamamaalam ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa mahahalagang naibahagi ni Allan K sa panayam sa kanya ni Julius Babao ay ang tungkol sa pag-aalok umano sa kanila ng dobelng talent fee, manatili lamang sa Eat Bulaga.
Nalaman ng KAMI na bukod kay Allan K, kasamang nabigyan ng naturang offer sina Jose Manalo at Wally Bayola.
"Although, miniting kaming tatlo we were offered this much, sabi namin hindi naman po ganoon kadaling magdesisyon. Can you give us time?" ani Allan tungkol sa meeting na isinagawa sa kanila ng TAPE Inc. na nasabi rin naman nila sa iba pang mga kasamang host sa Eat Bulaga.
"Sa ikalawang meeting, sinali na, kasama na siya sa double your price," dagdag pa ni Allan nang matanong ni Julius ang tungkol sa lagay ni Maine Mendoza sa show.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng mga ganitong pangyayari, lahat pa rin silang mga dating host ng Eat Bulaga ay sumama kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon nang tuluyan na silang mamaalam sa producer ng kanilang programa, ang TAPE Inc.
Narito ang kabuuan ng talakayan nina Allan K mula sa YouTube channel ni Julius Babao:
Si Maine Mendoza ay isa sa mga host ng Eat Bulaga, ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ilan pang mga GMA Sparkle talents.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh