Allan K, sinabing isa siya sa tatlong host na inaalok ng dobleng TF para manatili sa EB
- Naikwento ni Allan K sa panayam sa kanya ni Julius Babao ang tungkol sa dobleng talent fee na inalok sa kanya umano ng TAPE Inc.
- Ito ay para lamang manatili pa rin siya sa programa kasama nina Jose Manalo at Wally Bayola
- Nabanggit din niya na maging si Maine ay isa sa mga inalok sa ikalawang meeting
- Subalit lahat pa rin sila ay nagdesisyon na sumama sa pamamaalam ng Tito, Vic and Joey sa TAPE
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa mga mahahalagang naibahagi ni Allan K sa panayam sa kanya ni Julius Babao ay ang tungkol sa iba pang detalye bago tuluyan silang lumisan sa poder ng TAPE Inc.
Nalaman ng KAMI na isa si Allan K sa piniling manatili sana sa Eat Bulaga kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola. Isang meeting ang isinagawa ng producer ng Eat Bulaga, kasama silang tatlo ngunit ipinaalam din nila ito sa iba pang mga 'Dabarkads.'
"Although, miniting kaming tatlo we were offered this much, sabi namin hindi naman po ganoon kadaling magdesisyon. Can you give us time?"
"Pero yung miniting na yun, kinuwento rin namin sa lahat.Iiling-iling silang lahat"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Gayunpaman, lahat pa rin silang mga dating host ng Eat Bulaga ay sumama pa rin sa Tito, Vic and Joey sa kanilang pamamaalam sa TAPE Inc.
Ngayon, pinakaaabangan ang magiging bagong programa ng TVJ na mapapanood na sa bago nilang tahanan, ang TV5.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Allan K mula sa Julius Babao Unplugged YouTube channel:
Si Alan Joveness Quilantang o mas kilala bilang si Allan K ay isang singer, performer at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga matatagal nang host ng Eat Bulaga mula noong 1995.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila. Sa ngayon, isa sa mga pinakaabangan ng marami ay kung ano ang magiging pangalan ng kanilang noontime show sa bago nilang tahanan.
Kaya naman habang papalapit ang Hulyo, marami ang nakaabang sa magiging susunod na kabanata ng TVJ sa pagsisimula umano ng bago nilang programa sa TV5.
Matatandaang sa ilang mga naging panayam sa isa sa umano'y orihinal na hosts ng Eat Bulaga na si Joey De Leon, umaasa pa rin silang makuha ang pangalan ng longest running noontime show na siya mismo umano ang nakaisip.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh