Toni Fowler: "Sustento muna bago kita batiin ng Happy Father's Day"

Toni Fowler: "Sustento muna bago kita batiin ng Happy Father's Day"

- Nag-post ng makahulugang mensahe si Toni Fowler sa kanyang Facebook page ngunit wala itong binabanggit na pangalan

- Hirit niya, sustento muna bago siya batiin ni Toni ng Happy Father's Day

- Matatandaang ang kanyang anak na si Tyronia ay emosyonal kamakailan nang magpasya ang ama niya at ang asawa nito na umalis na muna sa ToRo

- Anila, gusto nilang mag-asawa na matuto sa buhay at mag-grow nang sila lang at ayaw nilang maging pabigat kay Toni

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Toni Fowler ng nakakaintrigang pahayag kaugnay sa aniya'y pagbati niya ng Happy Father's Day sa isang taong hindi naman niya pinangalanan. Hirit pa ni Toni, magsustento muna ito bago niya ito batiin,

Toni Fowler: "Sustento muna bago kita batiin ng Happy Father's Day"
Toni Fowler: "Sustento muna bago kita batiin ng Happy Father's Day" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram
Sustento muna bago kita batiin ng Happy Fathers Day.

Matatandaang kamakailan ay naging emosyonal ang anak niyang si Tyronia Fowler sa pag-alis ng tatay niyang si Tatay Elon at asawa nitong si Nanay Venus sa ToRo.

Read also

Toni Fowler, binati si Vince Flores ngayong Father's Day: "Pinanindigan mo kami ni Tyronia"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-usap silang magkakasama at ang sinabing rason ng mag-asawa ay gusto nilang mag-grow nang sila lang muna at ayaw nilang maging pabigat kay Toni.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate