Claudine Barretto, emosyonal sa pagkikita nila ni Dennis Padilla

Claudine Barretto, emosyonal sa pagkikita nila ni Dennis Padilla

- Ibinahagi ni Claudine Barretto ang video ng pagkikita nila ni Dennis Padilla

- Isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa kanyang kuya kasunod ng pangangamusta kay Dennis

- Hindi nila napigil ang kanilang emosyon sa kanilang muling pagkikita kung saan makikitang kasama ni Claudine ang anak niyang si Sabina

- Marami ang naantig sa pagkikitang ito ng dating mag-bayaw na kamakailan ay naibalita din dahil sa kanilang pag-uusap sa social media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal sina Claudine Barretto at Dennis Padilla sa kanilang muling pagkikita. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa kanyang kuya kasunod ng pangangamusta kay Dennis.

Claudine Barretto, emosyonal sa pagkikita nila ni Dennis Padilla
Claudine Barretto, emosyonal sa pagkikita nila ni Dennis Padilla (@claubarretto)
Source: Instagram

Hindi maitago ng dating mag-bayaw ang kanilang pagiging emosyonal. Niyakap din ni Dennis ang panganay na anak ni Claudine na si Sabina.

Marami ang naantig sa pagkikitang ito ng dalawa. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Read also

Joey De Leon: "Kahit anong title, tayo Dabarkads forever"

I remember decades ago interview ni Claudine saying how she loved Marjorie and her Kuya Dennis

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Proud of you claud little by little lahat naayos sa buhay broken relationships will be all healed soon. It's better to have a peaceful heart and genuine happiness.
Comforting hug that he needs from a Barreto..pero may lungkot sa mga mata nya as if saying, "sana mga anak ko din, ma hug ko"

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Joey De Leon: "Kung saka-sakali, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin"

Pinagmalaki ni Claudine ang achievements ng dalawang anak niyang sina Santino at Sabina. Binahagi niya ang video na kuha sa Recognition Day ni Santino at graduation day naman ni Sabina. Pinasalamatan ni Claudine ang mga anak dahil aniya ay proud na proud siya sa mga ito. Naroroon din ang dati niyang asawa na si Raymart Santiago na kasama nila na umakyat sa entablado.

Nag-post si Sabina Barretto ng kanyang mensahe para sa mga magulang na sina Claudine Barreto at Raymart Santiago. Ito ay sa katatapos lamang na graduation niya kung saan dumalo ang kanyang mga magulang. Bukod kina Raymart at Claudine, pinasalamatan niya rin ang kanyang yaya na aniya ay naging pangalawang ina niya. Nauna na ring naibahagi ni Claudine ang video ng recognition day ni Santino at Graduation Day ni Sabina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate