Joey De Leon: "Kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami"

Joey De Leon: "Kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami"

- Nagbigay mensahe si Joey De Leon sa mga patuloy na sumusuporta sa Tito, Vic and Joey

- Ito ay dahil sa nalalapit na umanong pagpapalabas ng programa nila sa TV5

- Aniya, ano pa man ang maging pangalan ng bago nilang programa, sana'y patuloy pa rin silang tangkilikin ng pamilyang Pilipino

- May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam ng TVJ sa TAPE Inc. na siyang producer ng 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay mensahe si Joey De Leon sa mga walang sawang sumusuporta sa kanila.

Joey De Leon: "Kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami"
Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon (TVJ)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na umaapaw ang pasasalamat ni Joey lalo na sa mga taong nananatiling loyal sa kanila.

"Well, ano pa nga ba ang pinakamagandang sasabihin kundi salamat po at pagpalain tayo, 'di lang kayo ah, 'di lang kami kundi tayong lahat ng masaya at malinaw pang pag-iisip hangga't maari para mapanood pa niyo ang aming palabas. 'Di ko masabi 'yung title dahil hindi pa tayo sigurado. Pero kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami.

Read also

Cristy kay si Ryzza Mae: "Ang ganda po ng kanyang prinsipyo tapos ganyan, mamaliitin"

Ayon pa kay Joey, ang kanilang programa maging noong Eat Bulaga pa ay tila extension na ng bahay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Everyday happy. Isipin mo ganito. 'Yung Eat Bulaga, extension ng bahay namin lahat."

Narito ang kabuuan ng panayam ni Julius Babao kay Joey De Leon:

Ang 'Eat Bulaga' ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga' ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

Read also

Joey De Leon, nais lamang maalala sa isang bagay: "Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica