Xander Arizala, kay Merck: "Paninirang-puri na yang ginagawa mo sa'kin"

Xander Arizala, kay Merck: "Paninirang-puri na yang ginagawa mo sa'kin"

- Umalma si Xander Arizala sa sinabi ni Christian Merck Grey na umano ay gumagamit siya ng bawal na gamot

- Aniya, sumusobra na ang sinasabi ni Merck sa kanya at aniya ay paninirang puri ito

- Pagbibigyan daw niya ang hamon ni Merck na magpasuri siya para mapatunayan kung talagang adik daw siya

- Gayunpaman, aniya ay dapat ibigay ni Merck ang P100K at ihatid siya mismo ng kotse ni Merck

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Xander Arizala, paninirang-puri na ang ginagawa sa kanya ni Christian Merck Grey. Ani Xander, tinatanaggap niya ang hamon ni Merck na magpasuri siya pero aniya ay dapat ibigay sa kanya ni Merck ang P100K.

Xander Arizala, kay Merck: "Paninirang-puri na yang ginagawa mo sa'kin"
Xander Arizala, kay Merck: "Paninirang-puri na yang ginagawa mo sa'kin" (Xan Der Arizala)
Source: Facebook
Akin na yung P100,000. Tapos padalhan mo ako ng kotse mo kasi alam ko naman marami meron kang driver. Pupunta ako mismo.

Read also

Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang"

Aniya, mapapahiya si Merck pagnagpa-test siya para mapatunayan na hindi totoo ang sinasabi nito na adik daw siya.

Gusto din daw patunayan ni Xander sa mga tao na mali ang iniisip sa kanya ng ibang tao.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ko alam kung anong meron sa'yo ba't ganyan ka. Hindi mo alam na paninirang-puri na yang ginagawa mo sa akin. O sige, bukas. Hihintayin kita Christian Merck Grey, Ipadala mo yan Christian Merck Grey dahil sobra na yan hindi na tama yang mga ginagawa mo.

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Marjorie Barretto, naibahagi ang unang pagkakakilala kay Gerald Anderson

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate