TVJ: "We agreed among ourselves that by June 7 we will be ready to announce"
- Magkakaroon umano ng mahalagang anunsyo ang Tito, Vic and Joey sa Hunyo 7
- Ito ay kaungay umano sa pagbabalik programa nila at kung saang network sila maaring mapanood
- Matatandaang Mayo 31 nang pinangunahan ng TVJ ang pamamaalam sa producer ng Eat Bulaga na TAPE Inc.
- Sinundan naman ito ng resignation na rin ng iba nilang kapwa host sa programa na nagpaabot ng courtesy letter
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inaabangan ng marami ang umano'y mahalagang anunsyo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa Hunyo 7.
Nalaman ng KAMI na may kaugnayan umano ito sa ilang detalye ng kanilang pagbabalik programa at kung saang network sila maaring mapanood.
"We agreed among ourselves that by June 7 we will be ready to announce," ayon sa isa sa mga original hosts ng Eat Bulaga sa panayam sa kanya ng The Source ng CNN Philippines.
Sakali lang maging pinal na ang mga pag-uusap ng TVJ at ilang media personality, maari umano silang mapanood sa pagbubukas ng buwan ng Hulyo.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matatandang minsan na nilang hindi naman sila namaalam sa programa kundi sa producer nito, ang TAPE Inc.
Mayo 31 nang gumulantang sa publiko ang naturang pamamaalam na agad na sinundan na rin ng paggawa ng courtesy letter ng iba pang mga Eat Bulaga hosts na naka-address sa pamunuan ng TAPE.
Samantala, nito lamang Hunyo 5 ay agad nang ipinakilala ang mga bagong host ng Eat Bulaga na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at maging ang magkapatid na sina Cassy at Mavy Legaspi.
Narito ang iba pang mga detalye mula sa Inquirer YouTube channel:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood sa telebisyon noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing noontime show.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh