Angelica Panganiban at Gregg Homan, nagpasalamat sa netizens 1st anniversary ng kanilang YouTube channel

Angelica Panganiban at Gregg Homan, nagpasalamat sa netizens 1st anniversary ng kanilang YouTube channel

- Nagbahagi sina Angelica Panganiban at Gregg Homan ng Q&A video para gunitain ang kanilang unang taon sa vlogging

- Ani Angelica, nagsimula ang kanilang YouTube channel sa ganoong setup din kaya iyon ang kanilang ginawa

- Pinasalamatan din ni Angelica ang publiko sa maayos na pagtanggap nila sa kanyang pamilya lalong-lalo na kay Gregg

- Sa kasalukuyan ay mahigit 600K na ang kanilang subscribers sa kanilang YouTube channel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ang kanilang supporters sa kanilang YouTube channel. Sa pinakabagong vlog episode na binahagi nila sa kanilang channel, sinubukan nilang sagutin ang mga katanungan ng netizens para sa kanila..

Angelica Panganiban at Gregg Homan, nagpasalamat sa netizens 1st anniversary ng kanilang YouTube channel
Angelica Panganiban at Gregg Homan, nagpasalamat sa netizens 1st anniversary ng kanilang YouTube channel (The Homans)
Source: Youtube

Pinasalamatan din ni Angelica ang publiko sa maayos na pagtanggap nila sa kanyang pamilya lalong-lalo na kay Gregg.

Thank you sa isang buong taon na pagsubaybay sa'min. Sa pagmamahal sa'min. Feeling namin may maliit kaming pamilya but dahil mababait kayo parang lumaki yung pamilya namin dahil naging part kayo ng family namin. Dahil ang bait-bait niyo sa'min. You're so gentle to Gregg pagpasok niya sa celebrity life. Hindi niyo siya bina-bash. Thank you.

Read also

Angelica Panganiban at Gregg Homan, planong magpakasal next year

Sa kasalukuyan ay mahigit 600K na ang kanilang subscribers sa kanilang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.

Read also

Tito Sotto sa mga ad agency matapos mamaalam sa TAPE: "marami raw nag-pullout"

Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang boyfriend na si Gregg na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel