Nadine Lustre, walong buwan nang hindi bumibili ng leather dahil sa pagiging vegan

Nadine Lustre, walong buwan nang hindi bumibili ng leather dahil sa pagiging vegan

- Ayon kay Nadine Lustre, hindi na siya nakakabili ng leather bags at shoes sa loob ng walong buwan

- Ito ay dahil sa kanyang pagiging vegan kaya naging mahigpit ang kanyang diet at maging sa mga bagay na kanyang binibili

- Sa vlog ni Dr. Aivee Teo, naibahagi ni Nadine ang ilang mga update tungkol sa kanya

- Naipasilip din ni Doctora Aivee ang dinner kung saan naroroon din si Nadine para sa pagkaka-feature niya sa isang magazine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Nadine Lustre na matagal na siyang hindi nakakabili ng bag at sapatos dahil sa kanyang pagiging vegan. Sa vlog ni Dra. Aivee Teo na hindi na daw siya bumibili ng mga produkto na gumagamit ng leather.

Nadine Luster, tumigil nang bumili ng leather simula nang maging vegan
Nadine Luster, tumigil nang bumili ng leather simula nang maging vegan (@nadine)
Source: Instagram

Ani Nadine, walong buwan na siyang Vegan. Hindi na siya bumibili ng leather at hindi na rin siya kumakain ng meat at dairy products.

Read also

Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw."

Ibinahagi ni Nadine ang plano nila ng boyfriend na bumiyahe sa Europe sa loob ng isang buwan. Habang nagkukwento ay napansin ni Dra. Aivee na ang galing ng French accent ni Nadine. Paliwanag naman ni Nadine, dahil French ang kanyang karelasyon ay natutunan niya na rin ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James.

Si Maricel Soriano ang kauna-unahang celebrity guest ni Nadine sa kanyang YouTube channel. Matatandaang nauna nang nag-guest si Nadine sa vlog ni Maricel kamakailan. Sa bagong vlog episode ni Nadine, gumawa ng flower arrangement sina Nadine at Maricel habang nag-uusap. Marami ang natuwa na makita ang dalawang award-winning actress na parehas na ring pumasok sa pag-va-vlog.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate