Miss Universe PH Michelle Dee, confident umano sa kanyang naisagot sa Final Q and A

Miss Universe PH Michelle Dee, confident umano sa kanyang naisagot sa Final Q and A

- Aminado si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na confident umano siya sa kanyang naisagot sa Final Q&A ng naipanalong pageant

- Aniya, tila sinuwerte siyang isa umano ito sa mga napaghandaang katanungan ng kanyang mga Q and A coach

- Naikwento rin niya ang pagkakataong tila nabasbasan umano niya ang fish bowl na ginamit sa pagbunot ng pangalan ng magtatanong sa kanya

- At hindi nga umano siya nabigo dahil habang binabasa pa lamang ni Xian Lim ang katanungan, alam niyang kayang-kaya na niya itong sagutin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Confident si Michelle Dee sa naging kasagutan niya sa Final Question and Answer ng Miss Universe Philippines 2023 na naipanalo niya kamakailan.

Miss Universe PH Michelle Dee, confident umano sa kanyang naisagot sa Final Q and A
Michelle Dee (@michelledee)
Source: Instagram

Ani Michelle, hindi man ito ang eksaktong katanungan subalit napaghandaan na niya ang ganoong uri ng tanong.

Read also

Michelle Dee sa mga nagsasabing 'di dapat siya ang nanalo: "Just choose to be kind, spread love"

"If you see my Q and A notebook, you'll see the judges ask not exactly the same question but I tackle on artificial intelligence, that's one of my businesses that I foster... All of the major topics globally, we discuessed. I have such an amazing Q and A team."

Naikwento rin niya ang pagkakataong tila nabasbasan at nadasalan niya ang fish bowl na ginamit sa question and answer portion na hindi naman umano siya binigo at naging daan din umano sa pagkakasungkit niya ng korona.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I was on the phone with my Q&A coach and then suddenly they were gonna block the fish bowl already. There were no names, it was just a bowl and the stand. And then I was like, 'afinity of the right question and the afinity of the right answer, binabasbasan ko talaga... be good to me and thankfully like I did get a question that I was a hundred percent prepared for"

Read also

Sarah Geronimo sa G-Force: "I wanted them to be there to celebrate my 20 years"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda:

Si Michelle Marquez Dee ang nagwaging Miss Universe Philippines 2023. Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Si Michelle ay anak ng dating aktres at isa ring beauty queen na si Melanie Marquez.

Naging kontrobersiyal ang pagkapanalo ni Michelle dahil iba umano ang inaasahan na makaksungkit ng korona tulad ni Miss Bohol na si Pauline Amelinckx.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel