Jodi Sta. Maria sa video ng pag-over the bakod ni Thirdy: "Jusmio"

Jodi Sta. Maria sa video ng pag-over the bakod ni Thirdy: "Jusmio"

- Maging si Jodi Sta. Maria ay napa-react sa viral na video na binahagi ni Iwa Moto

- Ito ay ang video ng pagtalon ni Thirdy Lacson sa gate nila para makapasok sa bahay

- Ani Iwa, kailangan niya na talagang ipa-duplicate ang susi para hindi na ito gawin ni Thirdy

- Natawa naman din si Jodi at napa-comment ng "Jusmiyo" sa TikTok post ni Iwa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Jodi Sta. Maria ay napa-react sa binahaging video ni Iwa Moto kung saan makikita ang pagtalon ng anak ni Jodi na si Thirdy Lacson sa bakod para makapasok sa bahay.

Jodi Sta. Maria sa video ng pag-over the bakod ni Thirdy: "Jusmio"
Jodi Sta. Maria sa video ng pag-over the bakod ni Thirdy: "Jusmio" (@jodistamaria)
Source: Instagram

Sa binahaging TikTok video ni Iwa ay sinabi niyang kailangan niya na talagang ipa-duplicate ang susi ng kanilang gate.

Wala namang ibang naikomento si Jodi kundi "Jusniyo" kalakip ng facepalm emoji at face with Tears of Joy emoji.

Read also

Ogie Diaz, natutuwa para kay Enrique Gil: "Nagbalik na siya after three years"

Ani Iwa, kaya pala ang sinabi raw sa kanya ni Thirdy ay susi lang sa main door ang kailangan niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya pala sabi sakin “tita need ko lang naman yung sa main door”‍♀️

Ani Iwa, sobrang nakakatawa ang naturang video kaya niya binahagi sa social media.

Kailangan ko talaga mag pa duplicate ng susi sorry anak. This is too funny not to post

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay may anak sa dating karelasyon na si Pampi Lacson na pinangalanan nilang si Thirdy.

Sa kanyang post sa Instagram, binahagi ni Jodi ang throwback picture kung kailan iba pa umano ang paraan ng pakikipag-bonding sa mga kaibigan. Ginamit niya ang hashtag na #batang90s kalakip ng kanyang caption tungkol sa pagpunta sa photo studio ng mgakakaibigan para magpakuha ng litrato. Magsusulat din sila ng kanilang dedication para sa mga kaibigan sa likog ng litrato.

Read also

Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting

Kabilang si Jodi sa nag-comment sa sweet na message ni Iwa Moto para sa partner niyang si Pampi Lacson. Naglagay ng tatlong heart emojis si Jodi sa naturang post ni Iwa kalakip ng pictures nila ni Pampi. Pabiro namang sinagot ni Iwa ang comment ni Jodi at sinabi nito na may ipapabili daw siya kay Pampi. Dahil sa pagiging magkaibigan nina Iwa at Jodi ay marami ang natutuwa sa kanila sa kabila ng kanilang mga nakaraan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel