Brenda Mage, pinaayos na rin pati ang kapilya sa kanilang lugar

Brenda Mage, pinaayos na rin pati ang kapilya sa kanilang lugar

- Pinasilip ni Brenda Mage ang update sa kapilya sa kanilang lugar na pinapagawa niya

- Naayos na at napinturahan ang bakod ng naturang kapilya at ginagawa pa lamang ang kisame nito

- Bukod sa kisame ay maglalagay din sila ng extension para mas marami ang taong pwedeng pumasok para magsamba at magdasal

- Matatandaang bago pa ito ay napaayos niya ang bahay ng kanyang mga kapamilya at kanyang pinsan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling kinabiliban sa Brenda Mage sa bago nitong pinapagawa. Sa kanyang binahaging video ay pinasilip niya ang pinaaayos na kapilya ng kanilang lugar.

Brenda Mage, pinaayos na rin pati ang kapilya sa kanilang lugar
Brenda Mage, pinaayos na rin pati ang kapilya sa kanilang lugar (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Napalagyan niya na ng bakod ang kanilang kapilyang Our Lady of Fatima sa Kiongab Solana, Jasaan, Misamis Oriental. Napinturahan na rin ito. Bukod sa kisame ay maglalagay din sila ng extension para mas marami ang taong pwedeng pumasok para magsamba at magdasal.

Read also

Rica Peralejo, sinagot ang mga nangbatikos sa pagsuot nila ng Halloween costume

Ani Brenda ay muli siyang magbabahagi ng update tungkol sa kanyang pinapaayos na kapilya sa kanilang lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahagian lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel