Antoinette Taus sa 'di mamatay-matay na tsismis: "Grabe, pumunta lang naman ako sa States"
- Nilinaw ni Antoinette Taus ang tungkol sa umano'y di mamatay-matay na tsismis tungkol sa kanya
- Ito ay matapos niyang tumigil sa pag-aartista at pumunta sa States kasama ang kanyang pamilya
- Nilinaw niyang wala namang masama sa pagkakaroon ng anak pero aniya ay walang katotohanan ito
- Nanirahan sila sa States ng kanyang pamilya para masubukang matupad ang kanyang pangarap
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinabulaanan ni Antoinette Taus ang aniya'y 'di mamatay-matay na tsismis na nagkaanak siya nang pumunta at nanirahan siya sa US. Sa kanyang pag-guest sa YouTube vlog ni Camille Prats, binahagi niya ang tunay na dahilan ng pagpunta nila sa States.
Aniya, pumunta lang naman siya sa States para masubukang tuparin ang kanyang pangarap. Maging ang kapatid niyang si Tom Taus ay nadamay din daw sa tsismis na ito.
Dagdag pa niya, mabuti na lang at ginawa nila iyon dahil maagang natuklasan na may sakit ang kanilang ina at nakasama nila ito sa nalalabing panahon nito bago ito pumanaw.
Naikwento niya rin kung paano nagsimula ang kanyang non-profit organization na Planet CORA (Communities Organized for Resource Allocation). Ang kanyang ina pala na si Corazon Taus ang isa sa inspirasyon ng naturang organisasyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Antoinette Cherish Flores Taus ay isang Filipino-American television/movie/theater actress, singer, host, commercial model, UNEP Goodwill Ambassador at Founder ng non-profit organization na CORA Philippines. Naging ABS-CBN artist siya mula 1992 hanggang 1997 at lumipat sa GMA Network mula 1997 hanggang 2004.
Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Antoinette ang Vietnam trip nila ng kapatid niyang si Tom Taus. Sa binahaging post ni Antoinette ay marami ang natuwa na makita ang magkapatid na matagal nang hindi gaanong aktibo sa Philippine showbiz. Umani ng mga komento ang kanyang post lalo at marami ang naka-miss sa kanilang magkapatid na parehas nakilla bilang mga child stars.
Nagbahagi din si Antoinette ng video kasama ang kapatid niya kung saan sumasayaw silang magkapatid. Ginawa ng magkapatid ang TikTok trend na “Ting Ting Tang Tang” dance challenge. Kagaya sa naunang video na binahagi ni Antoinette, umani ng mga positibong komento ang kanyang post kung san kasama niya ang nakababatang kapatid.
Source: KAMI.com.gh