Ogie Diaz, napuri ang Kathniel sa kani-kaniyang solo projects: "Pwede naman pala!"

Ogie Diaz, napuri ang Kathniel sa kani-kaniyang solo projects: "Pwede naman pala!"

- Binati ni Ogie Diaz ang tambalang Kathniel na mayroong kani-kaniyang mga proyektong gagawin

- Si Kathryn Bernardo ay may pelikulang gagawin kasama ang award-winning international star na si Dolly De Leon

- Gayundin si Daniel Padilla na mayroong dalawang kakaibang proyekto na gagawin

- Patunay lamang daw ang dalawa na pwedeng umangat sa kani-kaniyang mga solo career ang nasa love team

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati at nabigyang puri ni Ogie Diaz sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa mga umano'y kani-kaniyang mga proyektong gagawin ng dalawa.

Ogie Diaz, napuri ang Kathniel sa kani-kaniyang solo projects: "Pwede naman pala!"
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (@supremo_dp)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ang pelikulang gagawin ni Kathryn kasama ang nagwaging Pinay Best Actress in a Supporting Role sa Guldbagge Awards at North Dakota Film Society na si Dolly De Leon na may pamagat na A Very good Girl.

Read also

Ogie Diaz, sa desisyon TAPE Inc.: "Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago"

Habang si Daniel Padill naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang

'Nang mapagod si Kamatayan' kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na 'The Guest' kasama si John Arcilla.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Congratulations kina Kathryn at Daniel, ngayong nagsosolo na sila," ani Ogie Diaz.

"Pwede naman pala!" ang nagkasabay pang nasabi nina Ogie at Mama Loi.

"Pag gusto ng puso, pag gusto ng mga katrabaho mo, pag gusto mo yung career mo dito, mangyayari't mangyayari yung gusto mo"

"Ang daming paraan e. Pag ayaw mo na ng kultura, ayaw mo na ng proseso dito ayaw mo na ng industriya dito," giit pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niya na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Ogie D, sinabing umaasa ang Tropang LOL na lilipat sa NET25 ayon sa source

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naturang episode din ng kanyang Showbiz Update channel natalakay ang kanilang komento tungkol sa bagong kontrobersyal na pahayag ni Liza Soberano tungkol sa mga love team sa Pilipinas. Dahil dito, tila nakiusap umano si Mama Loi kay Liza na sana'y sa susunod na interview nito, iangat naman ni Liza ang Philippine showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel