Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica

Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica

- Naibahagi ni Angelica Panganiban na muli siyang nakapag-yoga matapos ang dalawang buwan

- Sa kanyang IG story ay binahagi niya ang picture ng kanyang yoga mat

- Hindi siya nagpapigil sa kabila ng kanyang dinaranas na sciatica

- Ang sciatica ay pamamanhid, panghihina at pananakit ng binti

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa IG story ni Angelica Panganiban, binahagi niya ang picture ng kanyang Yoga mat. Aniya, muli siyang nakapag-yoga sa kabila ng kanyang dinaranas na sciatica.

Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica
Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica (@iamangelicap)
Source: Instagram

Matatandaang naibahagi ni Angelica noong January na maging ang partner niyang si Gregg Homan ay naisama niya sa isang yoga session.

After 2 months {I} was able to do yoga again. Sciatica ka lang! Si Angge ako.
Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica
Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica (iamangelicap)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ivana Alawi, napabili ng alahas sa Paris matapos makita ang poging doorman

Ang sciatica ay may sintomas na pamamanhid, panghihina at pananakit ng binti. May mga kababaihang nakakaranas nito pagkatapos nilang manganak. Mayroon din namang gumagaling mula dito pagkatapos manganak. Ang sanhi daw nito ay maaring injury o di kaya ay pressure sa sciatic nerve.

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.

Read also

Ryan Bang, naiyak nang ibahagi kay Vice Ganda na may girlfriend na siya

Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang boyfriend na si Gregg na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate