Gardo Versoza, pinayagan nang mag-TikTok: "Pero 'wag po muna mag-high heels"
- Ibinahagi ni Gardo Versoza ang kwento sa likod ng kanyang TikTok videos sa ospital
- Matatandaang inatake sa puso si Gardo halos isang buwan na ang nakalilipas
- Ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagpapagaling at pinayagan na muli siyang mag-TikTok
- Subalit paalala ng kanyang doktor, 'wag munang mag-high heels tulad ng nakagawian sa kanyang mga video
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naikwento ni Gardo Versoza kung bakit niya nakasama ang mga doktor at nurse sa kanyang TikTok video habang nagpapagaling pa sa ospital.
Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya nina Julius Babao sinabing game na game talaga ang mga kasama niya noon na gumawa sila ng video kahit siya ay nakaupo pa rin.
"Parang after ng atake sabi parang sabi 'wag po muna kayong mag-high heels, sabi pero balik din po kayo. Dahan-dahan lang muna kumbaga mag-recover lang muna. Tuloy pa rin 'yan," natatawang nabanggit ni Gardo.
"Nung una, ayaw talaga nila. Kasi siguro baka mamaya gayahin ng iba. 'Di ba may mga classmates ako dun e," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng pagbibigay saya niya sa mga TikTok videos, aminado siyang nakatatanggap din ng mga komentong bakla umano siya dahil sa napapanood nila.
"Bakla talaga yan, ngayon lang talaga yan nag-a-out. Kunwari lang yan na Machete. 'E sa'kin okay lang kung ano 'yung nakikita nila," ani Gardo.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Julius Babao Unplugged YouTube channel:
Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte.
Kamakailan, naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso. Nalampasan naman niya ang naturang pagsubok subalit may gagawin pa umanong angioplasty sa kanya matapos ang dalawang buwan.
Labis na nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya. Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na rin sa ospital si Gardo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh