Gardo Versoza, nasasabihan daw na bakla dahil sa kanyang TikTok videos
- Naibahagi ni Gardo Versoza na isa sa pinaka-weirdo na komentong natatanggap niya sa kanyang TikTok videos ay yung bakla daw siya
- Sinabihan din daw siyang nagkunwari lang na Machete at ngayon lang daw ito nag-out
- Para naman kay Gardo wala namang problema sa kanya na masabihan nang ganun at para naman sa kanyang misis, alam naman daw niya kung ano ang totoo kaya hindi na ito nagpapaapekto
- Naibahagi din nilang mag-asawa kung paano nagsimula ang pagsusuot ng high heels ni Gardo sa kanyang mga videos
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Gardo Versoza, pinakamalalang komento na kanyang natanggap sa kanyang TikTok video ay bakla daw siya. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naibahagi nila ng kanyang asawa kung paano nagsimula ang pagsusuot ng high heels ni Gardo sa kanyang mga videos.
Una umanong niregaluhan siya ng asawang si Ivy Vecencio ng high heels dahil hinihiram umano ni Gardo ang mga shorts niya. Dahil sa kanyang mga TikTok videos ay madalas makita si Gardo na nakasuot ng high heels na kinaaliwan ng netizens.
Sinabihan din daw siyang nagkunwari lang na Machete at ngayon lang daw ito nag-out. Para naman kay Gardo wala namang problema sa kanya na masabihan nang ganun at para naman sa kanyang misis, alam naman daw niya kung ano ang totoo kaya hindi na ito nagpapaapekto.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.
Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya.
Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh