Gardo Versoza, inakala umanong nasa langit na siya nang magising matapos ang operasyon

Gardo Versoza, inakala umanong nasa langit na siya nang magising matapos ang operasyon

- Naikwento ni Gardo Versoza ang kanyang naging karanasan nang atakihin siya sa puso kamakailan

- Sa kanyang guesting sa YouTube channel ni Julius Babao, naibahagi niyang nag-Zumba pa siya isang gabi bago siya inatake

- Unang naramdaman umano niya ay sumakit ang kanyang likod ngunit ipinagtaka umano niya ito dahil wala naman siyang ginawang mabigat na exercise

- Matapos makaranas ng iba pang simtomas, nag-search siya sa internet at kinalaunan ay pumunta na sila ng misis niyang si Ivy Vecencio sa ospital

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Gardo Versoza, binalak pa niyang unahin sana ang trabaho bago sana pumunta ng ospital ngunit dahil sa naramdaman niya ay minabuti nila ng asawa na pumunta na sa ospital. Unang naramdaman umano niya ay sumakit ang kanyang likod ngunit ipinagtaka umano niya ito dahil wala naman siyang ginawang mabigat na exercise.

Read also

AJ Raval, deadma sa mga nega comments sa picture nila ni Aljur Abrenica

Gardo Versoza, inakala umanong nasa langit na siya nang magising matapos ang operasyon
Gardo Versoza, inakala umanong nasa langit na siya nang magising matapos ang operasyon (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Sa pag-guest niya sa YouTube channel ni Julius Babao, naibahagi ni Gardo na nag-zumba pa umano siya bago ang araw na atakihin siya. Una umanong sumakit ang kanyang likod at nangalay ang kanyang panga. Sumakit din daw ang batok niya.

Matapos makaranas ng iba pang simtomas, nag-search siya sa internet at kinalaunan ay pumunta na sila ng misis niyang si Ivy Vecencio sa ospital.

Matapos ang kanyang operasyon ay inakala umano niyang nasa langit na siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Read also

Kapatid ni AJ Raval, umalma sa pandadawit sa anak niya sa isyu

Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya.

Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel