Dagul, hanga sa pagiging matulungin ng kaibigang si Benjie Paras

Dagul, hanga sa pagiging matulungin ng kaibigang si Benjie Paras

- Naibahagi ni Dagul ang kanyang kasalukuyang kalagayan ngayong hindi siya ganoon ka aktibo sa showbiz

- Sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo, naibahagi niyang kabilang si Benie Paras sa kaibigan niyang hindi niya nakakalimutan

- Ito umano ang kanyang tini-text kapag walang-wala siya at hindi ito nag-aatubiling tumulong sa kanya

- Aniya, kung gaano kalaking tao si Benjie ay ganun din kalaki ang kanyang puso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Dagul sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo na isa sa kaibigan niya sa showbiz na hindi niya makakalimutan ay si Benjie Paras. Ito umano ang kanyang tini-text kapag walang-wala siya at hindi ito nag-aatubiling tumulong sa kanya.

Dagul, hanga sa pagiging matulungin ng kaibigang si Benjie Paras
Dagul, hanga sa pagiging matulungin ng kaibigang si Benjie Paras (@dagulpastrana)
Source: Instagram

Dagdap pa ni Dagul, kung gaano ito kalaki ay ganoon din kalaki ang kanyang puso.

Nagbiro pa ito na si Long umano ang pinaka walang kwenta niyang kaibigan dahil lagi itong nagpapaasa kagaya ng pagsasabing i-guest daw siya nito sa kanyang vlog.

Read also

Cristy sa komentong nang-iiwan umano sa ere si Maja: "Unawain po natin ang kanyang dahilan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Romy Pastrana o mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Nadiscover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Isprikitik, Walastik Kung Pumitik (1999) at Juan & Ted: Wanted (2000) . Nakasama din siya sa comedy sitcom na Kool Ka Lang (2001).

Sa kanyang panayam sa mag-amang Dagul at Jkhriez Pastrana, napag-alaman ni Ogie Diaz ang problema nila sa paaralan nito. Kahit honor student ay nanganganib na hindi ito makapagtapos ng Grade 12 dahil sa balanse nito sa kanyang tuition fee mula nang siya ay nasa grade 7. Naiyak ang anak ni Dagul nang sabihin ni Ogie na sasagutin niya na ang bayarin nito sa kanyang paaralan para maka-graduate siya. Para sa kanyang kurso sa kolehiyo, nais umano ni Jkhriez na kumuha ng kursong abogasya.

Read also

Alodia Gosiengfiao, ibinahagi ang video ng asawa niya na sinusubukan mag-Tagalog

Kung walang trabaho sa command center ng baranggay nila kung saan siya ang head, nagbabantay umano si Dagul ng kanilang munting tindahan sa kanilang bahay. Mabagal umanong magbigay ng sukli si Dagul dahil na rin sa kanyang kalagayan at sumasakit na rin umano ang kanyang tuhod. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Dagul na maging kapaki-pakinabang pa rin sa kanilang bahay. May trabaho man at tindahan, hindi sapat ang kanilang kinikita para mabayaran ang pagkakautang nila sa paaralan ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate