Melai Cantiveros, trending sa Twitter dahil sa kanyang nakakaaliw na IG stories

Melai Cantiveros, trending sa Twitter dahil sa kanyang nakakaaliw na IG stories

- Ilang araw nang trending si Melai Cantiveros sa Twitter dahil sa kanyang nakakaaliw na mga Instagram stories

- Ito ay habang sila ay nasa South Korea kasama ang kanyang mga anak at asawang si Jason Francisco

- Maging sa TikTok ay marami ang nagbabahagi ng kanilang masasayang kulitan sa South Korea

- Nakabilang siya sa mga top trending topics at marami sa netizens ang humihiling na mabigyan sila ng travel show dahil sa sayang dulot ng 'Magandang Buhay' host kasama ang kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Melai Cantiveros dahil sa mga nakakaaliw niyang Instagram stories nitong mga nakaraang araw. Kasalukuyang nasa South Korea sila kasama ang kanyang mga anak at asawa.

Melai Cantiveros, trending sa Twitter dahil sa kanyang nakakaaliw na IG stories
Melai Cantiveros, trending sa Twitter dahil sa kanyang nakakaaliw na IG stories(@facebook.com/OfficialMelason)
Source: Facebook

Dahil sa marami ang natutuwa sa kanilang mag-anak, may mga humihiling na mabigyan sila ng travel show dahil sa sayang dulot ng Magandang Buhay host kasama ang kanyang pamilya.

Read also

Miss Grace, ibinida ang kanyang picture sa bakasyon niya sa Thailand

Maging sa TikTok ay marami ang nagbahagi ng mga nakakaaliw na videos ng mag-anak lalo at kagaya ni Melai ay palabiro din at bibo ang kanyang dalawang anak na sina Mela at Stela.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate